Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito kaunting oras lamang ang ginugol namin bawat asignatura dahil may programa mamaya ang mga panghapon. Sa oras ng Chemistry tinuloy lamang namin ang talakayan namin na hindi natapos kahapon. Sa English naman, tsinekan namin ang aming unit test. Hay! palaga na lang ganoon ang baba ng nakuha kong puntos pero hindi naman ako nangopya. Sa Math naman nagtsek lang din kami ng unit test ng ibang seksyon at ganoon din sa Mapeh. Wala kaming A.P ngayon kaya naman pinanood ng aming adviser at guro sa Filipino ang presentasyon ng bawat grupo na kumanta. Ang gagaling talaga nila parang gusto ko tuloy mag-aral maggitara at kumanta. Hindi na kami nag-T.L.E dahil maaga kaming pinauwi ngayon. Pag-uwi ko sa amin magpo-post sana ako dito sa blog ko kaya lang ay hindi natuloy dahil umalis kami ng tita ko kasama ang kapatid ko para bumili ng shirt dahil may pantalon na kami. Nakakapagod siyempre mag-ikot-ikot at siyempre walang mapili dahil ang gaganda ng mga damit doon HAHAHA ^_^.
Miyerkules, Disyembre 18, 2013
Martes, Disyembre 17, 2013
Ang Ganda!
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito, nagkaraoon kami ng talakayan sa Chemistry tungkol sa iba't-ibang uri ng gas. Samantala sa English nagkaroon naman kami ng di inaasahang unit test at sana ay maganda ang naging kalabasan ganun din naman sa Mapeh. Kahit nakakalungkot ang resulta ng unit test ko sa Math kahapon. Values namin ngayon at ipinasa namin ang aming portpolyo tapos binigyan kami ng pagkakataon para mag-praktis para sa Filipino. Eto na nga ang pinakahihintay ng lahat, ang presentasyon ng iba't-ibang grupo. Ang ganda talaga ng presentasyon ng ibang grupo kahit hindi gaano kagandahan ang sa amin ay nag-presenta pa rin kami^_^. Teka, nakalimutan ko nagkaroon rin kami ng unit test sa T.L.E. Dahil kami ang tagalinis ngayon, medyo natagalan kami sa silid-aralan. Pagkauwi ko naglaba ako ng aming mga damit habang gumagawa ng proyekto sa English. Wala na akong masyadong ginagawa kaya naman nanood ako ng anime at nagbasa rin ng manga. 'Yun lamang po at maraming salamat sa pagbabasa sa mahal kong blog^_^.

Lunes, Disyembre 16, 2013
Aba! Himala!
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito nahuli na naman ako sa pagpasok at ganoon din sa flag ceremony. Kaya naman uulitin namin iyon, bukod sa akin, marami rin sa aking mga kamag-aral ang nahuli pero salamat pa rin dahil pinapasok kami ni Mam Manlagnit sa klase pero dapat daw sa susunod na taon ay huwag na kaming magpapahuli sa pagpasok dahil siguradong sa labas lang kami hanggang 12:10. Samantala, sa oras naman nang English nagkaroon kami ng gawain kung saan gagawa kami ng parody ng tulang The Road Not Taken. Magaganda ang gawa ng aking mga kamag-aral. Tinanong kami ng aming guro kung handa kami sa pagsasadula ng Christmas Carol bukas pero lahat kami ay hindi pa yata handa. Himala rin dahil kaunti kami sa klase dahil iyong iba ay bumisita sa kulungan. Ewan ko lang naging maganda ang pagsagot ko sa unit test namin sa Math pero alam kong makakakuha pa rin ako ng mababang marka dahil konti lang ang na-review ko kahapon dahil masyado akong nag-pokus sa paggawa ng mga project na ipapasa na. At noong sabado naman nagkaroon kami ng praktis kaya di rin ako nakapag-review. At magsisilbing leksyon iyon sa akin kahit alam kong di ako magaling sa Math. Natapos na namin ang talakayan namin sa Values kanina kaya naman nagkaroon kami ng Pagbabahagi ng masasayang selebrasyon na naranasan namin noong Nakaraang Pasko. Nakakatuwa dahil magaganda ang naging kasagutan ng aking mga kamag-aral. Nagkaroon rin kami ng panibagong talakayan sa A.P medyo mahaba nga lang kaya di ko na isusulat ^_^. Napag-aralan rin namin sa Filipino kung paano ang wastong pagbubuood at mga hakbang sa pagsasagawa nito. Nagkaroon kami ng gawain na inilagay namin sa kwaderno. Sa oras naman ng T.L.E wala ang aming guro kaya naman todo ingay kami. Kahit may substitute kay Mam todo ingay pa rin kami. ^_^

Mga etiketa:
himala,
mahaba,
pagbubuood,
taalarawan
Sabado, Disyembre 14, 2013
Tamang Praktis
Mahal kong talaarawan,
Hay! Sabado na naman. Ilang araw na lang, magpapasko na. Ngayong araw na ito, nagkaroon kami ng praktis sa English. Isasadula namin ang Christmas Carol ni Charles Dickens. Marami ang hindi kumpleto kaya naman konti lang ang napag-usapan namin. Umalis rin kami kaagad. Pero inassigned na kami kung ano ang gaganapan namin para sa dula. Kaya iyon! umuwi na kami ng kaibigan ko. Pagkagaling ko sa amin naggawa ako ng assignment at pagkatapos nagwalis ng kaunti. Pagkatapos nag facebook na rin ako isinabay ko na rin ang panood ng anime at pagbabasa ng manga. Tamang adik lang kasi. Hay! Naiinis na nga ako kasi hinihiram ng kapatid ko itong laptop(pahinga pahinga rin daw pag may tym)^_^. Pero bago iyon naalala ko na kailangan kong mag-post sa blog ko dahil kung hindi siguradong hindi ako makakapag-update.

Biyernes, Disyembre 13, 2013
Pangarap
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito, nagkaroon kami ng gawain na inilagay namin sa makulay na papel. Tungkol ito sa mga pagtupad sa pangarap. Bago iyon, tinanong kami ng aming guro kung anong kurso ang gusto namin. Ginawa namin ang aming gawain batay sa mga kategoryang ibinigay ng aming guro. Nakakatuwa dahil marami na naman ang napulot ko sa aming mga guro. Akala ko rin ay mahihirapan ako sa bagong leksyon namin sa matematika pero nagkamali ako medyo sa mga talakayan hindi ko masyadong maintindihan pero kaunti lang naman. Kanina sa oras ng MAPEH maiingay kami kaya nagalit sa amin ang aming class president. Maingay kasi kami. Buti na lamang at Biyernes na dahil papanoorin ko sana ang pinapanood ko pero wala pa ring update :( Kaya naman fb fb muna ^_^
Bisang Pangkaisipan:
Batay sa tinalakay namin ngayong araw na ito, dapat pag-isipan na natin ng mas maaga kung ano ang kurso na kukunin natin o ano ang gusto nating maging pagdating ng panahon dahil kung hindi tayo rin ang mahihirapan dahil ang kurso na dapat nting kunin ay iyong angkop sa ating kakayanan.

kaisipan,
pangarap,
taalarawan
Huwebes, Disyembre 12, 2013
Masyado bang Literal?
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito ipinagpatuloy namin ang hindi namin natapos na pangkatang gawain kahapon. Naging maayos naman ang talakayan at pag-uulat ng bawat grupo. Marami ring aral ang natutunan kosa araw na ito. Kagaya na lamang sa akdang Kinagisnang Balon, natutunan ko na huwag tayomg maging mapangmata sa iba o sa trabaho ng ating mga magulang dahil sila ang dahilan kung bakit tayo nakakapag-aral. At kung dumating na ang oras na tayo ay umunlad, huwag nating isipin na magaling na tayo at huwag ring mapangmataas dahil kung tutuusin sila ang nagbigay ng mga pangangailangan natin sa buhay. Hay! madami talaga ang nangyari ngayong araw na ito! Nakakakaba talaga kanina sa T.L.E akala ko maling-mali talaga ang ginawa namin kanina kahit hindi gaanong kataasan ang grado, ginawa naman namin ang makakaya namin. Nakakapagod talaga! matapos kong umuwi galing iskul, kumain ako at naggawa ng ilang proyekto. Pagkatapos naglaba rin ako ng damit (nakakapagod talaga!). Pagkatapos nanood na ako ng telebisyon.

literal,
sipag,
talaarawan
Miyerkules, Disyembre 11, 2013
Nakakadismaya Naman!
Mahal kong talaaraawan,
Nagayong araw na ito, maraming mga bagay na nangyari sa akin. Marami rin akong natutunan sa iba't-ibang guro namin. Nakakadismaya nga lang dahil noong oras na ng asignatura naming matematika, nadismaya ako dahil mababa ang nakuha kong iskor sa aming pagsusulit. (nakakadismaya talaga). Pero may natutunan pa rin ako ngayong araw na ito. Nakaka-'relate' ang sinabing kwento ni Mam Cabrera ngunit kapupulutan naman ng aral. Gayon din sa Filipino, kailangang pahalagahan natin ang ating trabaho lalo na kung ito'y panandalian lamang, tandaan na walang permanenteng bagay dito sa mundo. Samantala, noong T.L.E namin, darang na darang kami ng aking ka-partner dahil malapait ng maipasa ang aming practicum. Naubusan kami ng RJ45 kaya hindi ko alam kung paano magpapasa ng practicum. Kaya naman nagtanong kami kung sino pa ang merong RJ45. Buti naman at meron pa rin sa aking mga kamag-aral na may mabuting puso^_^. Palagi kaming nagkakamali kaya naman naiinis na kami sa paggawa nito. At iyong mga binigay ng aking mga kamag-aral ay ubos na rin kaya naman nagkalakal ako sa bag ko pero wala akong nakita. Isa na lang ang kulang naming RJ45. Wala talaga akong makikita dahil nasa loob ito ng wallet ko^_^. At noong uwian na dumiretso ako sa bahay, kumain at inayos ko rin ang mga proyektong malapit nang ipasa pagkatapos nagbasa ako ng kaunting manga^_^.

anime,
manga,
proyekto,
talaarawan. kaisipan
Martes, Disyembre 10, 2013
Hayahay ang buhay! ^_^
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito, maaga kaming pinauwi ng aming guro dahil magkakaroon ng programa ang mga panghapon (hayahay talaga). Pagkatapos naming maglinis ng silid-aralan, sabay-sabay kaming umuwi ng aking mga kaibigan. Pagkagaling ko sa bahay, kumain ako at tumulong rin sa gawaing bahay. Pagkatapos binasa ko na aking paboritong manga (ito ay tawag sa Japanese comics) at pinanood ko rin ang aking paboritong anime. Nawiwili talaga ako sa mga anime (dahil ang pogi ang mga anime na lalaki haha). Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin talaga nakakalimutan ang gumawa ng aking takdang aralin at mga proyekto na dapat kong gawin. Kahit meron akong kinahihiligang bagay, hindi ko pa rin nalilimutan ang mga parayoridad ko sa buhay. Pero kung ako ang iyong tatanungin, maganda talaga ang manood ng anime hindi ko namalayan na naaadik na pala ako sa panonood nito^_^. At natuto rin ako na kahit gaano ka kahilig sa isang bagay, hindi mo dapat kalimutan ang mga tungkulin mo bilang istudyante.

hayahay,
kaisipan,
manga,
talaarawan
Lunes, Disyembre 9, 2013
Ganyan Talaga..
Mahal kong talaarawan,
Simple lang naman ang gawain ng isang istudyanteng katulad ko^_^.Tuwing Lunes may "flag ceremony" kami at buti naman hindi na ko nahuli sa pagpasok (ganyan talaga^_^ pero baka mahuli naman ako sa susunod). Mabuti na lamang at naging masaya ang araw ko ngayong Lunes. Kahit wala si Gng Mixto, (siyempre maingay pa rin kami) pumalit muna si G. Mixto at magbigay ng kaunting gawain at tungkol ito sa akdang Kinagisnang Balon na iuulat sana ng Pangkat III. Mabilis ang naging takbo ng oras dahil hindi ko namalayan na T.L.E na pala, habang ito na ang aming asignatura may ipinagawa ang aming guro at kailangan itong ipasa bukas. At nang nag-uwian na, sa bahay ako agad dumiretso at doon ginawa ko ang aking takdang aralin na ipapasa bukas Ginawa ko rin ang aking portfolio sa Math na ipapasa sa biyernes. Pagkatapos nanood ako saglit at gumawa rin ng ilang gawaing bahay. ^_^

Biyernes, Disyembre 6, 2013
'Kainis!
Maha kong talaarawan,
Ngayong araw na ito naroon pa rin kami sa pagtalakay sa akdang Banyaga ni Liwayway Arceo. Nagkaroon rin kami ng pagsulat na inilagay namin sa makulay na papel. Hiwalay ang ginawa ng kababaihan sa kalalakihan. Para sa mga babae, ano ang magagawa mo para makamit ang iyong mga pangarap? Para sa mga lalaki, paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa mga kababaihan. Marami na nga naman ang mga kababaihan na umuunlad ngunit sawi pa rin sa pag-big o patuloy na naabuso. Kahit meron ng mauunlad na mga kababihan, meron pa rin silang kahinaan.
Nakakainis! Dapat di ko na lang sinabi iyon! Kasi naman eh, Biro lang naman ang sinabi ko pero parang ang lakas ng dating sa kanya. Biro lang naman iyon at wala akong intensyong gawin itong personal sa kanya. Ang sa akin lang naman ay biro lang lahat ng mga sinabi ko pero tinotoo yata niya. Biro lang naman iyon at nasa sa kanya na kung tototohanin niya ang mga sinabi kong iyon. ^_^
KAISIPAN: Pag-isipan at Mag-ingat sa mga bagay na ating sa sasabihin dahil hindi natin alam na ang taong sinasabihan natin ay nasasaktan na pala.

pagsulat,
taalarawan
Huwebes, Disyembre 5, 2013
Beki Boom, Lalalalala!
Mahal kong Talaarawan,
Ngayong araw na ito, itinuloy namin ang pangkatang gawain na hindi namin natapos kahapon. Pagkatapos bawat pangkat ay nagulat sa unahan merong nagbalita, gumawa ng patimpalak, talk show at iba pa. Sa amin napapunta ang pagsagot sa katanungan gamit ang pagsasagawa ng patimpalak (that's my BEKI).
Napuno na naman ng tawanan at kaingayan ang aming silid-aralan (hahaha) at maging sa huli naming asignatura maingay pa rin kami. Grabe! ang galing-galing ng mga kalahok (si Grumo at Latigay A.). Nakakaloka! Pero ganunpaman marami pa akong panibagong natutunan ngayong araw na ito.
Bisang Pangkaisipan:
Hindi natin kailangang mabago kung ikakasama ng iba, magbago tayo para sa sarili natin at hindi nakakasakit sa damdamin ng iba. Matutong tayong magsakripisyo sa ibang bagay na makakatulong sa ating sarili para maabot ang ating mga panagarap pero matuto tayong maging mapagpakumbaba at nananatiling nakatapak ang ating mga paa sa lupa. 'Ika nga " Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan."

Miyerkules, Disyembre 4, 2013
Ang Ingay!
Mahal kong Talaarawan,
Ngayong araw na ito tinalakay namin ang teoryang nakapaloob sa akdang BANYAGA. Pagkatapos noon ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain. At siyempre, hindi mawawala ang pagiging maingay namin. Pagkatapos, sinabi ni Gng. Mixto na bukas na lamang kami mag-ulat dahil wala ng oras. At habang nagtatalakayan kami sa T.L.E, hinding-hindi mawawala ang pagiging maingay namin kakambal na yata namin iyon e. Walang araw o oras na naging tahimik kami. Ingay dito,Ingay doon, ingay sa lahat! Idagdag pa ang mainit na sinag ng araw. Kaya sari-saring sermon ang natatanggap namin mula sa aming mga guro ay dahil sa aming kaingayn. Magkagayon man, may natutunan pa rin naman ako ngayong araw na ito. Siyempre nadadamay ako sa kadaldalan ng iba ( grabe nag-salita ang tahimik!^_^), pero siyempre hindi talaga natin maiiwasan ang mag-ingay pero dapat iyong sakto lang at hindi nakakasakit sa tainga.
KAISIPAN: Huwag nang mag-ingay para hindi nakakadamay ng iba (hahahahaha! biro lang!)

Martes, Disyembre 3, 2013
Ahahaha! ^_^
Mahal kong Talaarawan,
Ngayong araw na ito, hindi na ako masyadong minamalas (hindi katulad kahapon^_^). Marami akong natutunan ngayong araw na ito. Napuno ng masasayang pangyayari ang araw ko ngayon. Hay! Napakasaya ko talaga ngayong araw na ito bukod sa napuno ng kasiyahan kanina habang nagtatalakayan kami sa Filipino, marami rin akong natutunan. Masaya rin ako dahil nakita ko ulit ang Mama ko. Tuwing bakasyon lang kasi kami nagkikita. Sana palaging ganito ang araw ko: masaya, at punong-puno ng aral mula sa aming mga magulang at mga guro. Naroon pa rin kami sa pagtalakay sa Banyaga at napuno kami ng tawanan. Grabe! Tuwang-tuwa talaga kami kanina..Bukas naman, tatalakayin namin kung anong teorya ang nakapaloob sa panibagong aralin namin. Tawa-tawa din pag may oras!

Lunes, Disyembre 2, 2013
Hay, Malas!
Mahal kong Talaarawan,
Hay, napakamalas ko talaga ngayong araw na ito, hay! May tatlo akong rason kong bakit ako malas. Una, dahil sa unang asignatura namin, hindi ako nakapag-"unit test". Dahil iyan sa pagiging huli ko sa klase. Pangalawa, hindi ko naipasa ang tinipong mga akda ko sa Filipino. Bakit? Dahil kulang pa iyon ng dalawang kwento at wala pang "folder". Pangatlo, hindi ako nakapag-pasa ng "poster" sa T.L.E. Dahil nakalimutan ko. Ang dami kong dahilan hindi ba? At akmang-akma iyan sa leksyon namin sa Edukasyong Pagpapahalaga: WASTONG PAGGAMIT NG ORAS. Sana naman pwede pang kumuha ng "unit test" sa "Chemistry". Sana naman pwede pang mag-pasa ng Mga Tinipong Akda sa Filipino. Hindi ko naman isissi ang mga iyon sa iba. Kasalanan ko rin naman kasi. Maraming pumasok sa utak ko: Sana pala gumising ako ng mas maaga para nakakuha ako ng "unit test". Sana pala ginawa ko ng mas maaga iyong mga akda sa Filipino para nakapag-pasa ako. Sana pala ginawa ko iyong "poster" para may naipasa ako. Tama nga ang ating mga guro at magulang, kung sana lang ay sinunod ang mga payo nila at kung sana ay ginawa ang mga ipinapagawa nila, sana walang problema, kung sana mas pinahalagahan ko ang oras, wala sanang problema.
KAISIPAN: Matuto tayong magpahalaga sa oras para sa bandang huli, hindi tayo nagsisisi.
Nagkaroon rin kami ng panibagong talakayan, tinalakay namin ang akdang BANYAGA. At pagkatapos noon, nagbigay ng mga katanungan ang aming guro tunkol sa akda.At ipinasa rin namin ang aming akda. At sa kasamaang palad, hindi ko ito naipasa dahil mayroon pang kulang.

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)