Huwebes, Disyembre 12, 2013

Masyado bang Literal?

Mahal kong talaarawan,

          Ngayong araw na ito ipinagpatuloy namin ang hindi namin natapos na pangkatang gawain kahapon. Naging maayos naman ang talakayan at pag-uulat ng bawat grupo. Marami ring aral ang natutunan kosa araw na ito. Kagaya na lamang sa akdang Kinagisnang Balon, natutunan ko na huwag tayomg maging mapangmata sa iba o sa trabaho ng ating mga magulang dahil sila ang dahilan kung bakit tayo nakakapag-aral. At kung dumating na ang oras na tayo ay umunlad, huwag nating isipin na magaling na tayo at huwag ring mapangmataas dahil kung tutuusin sila ang nagbigay ng mga pangangailangan natin sa buhay. Hay! madami talaga ang nangyari ngayong araw na ito! Nakakakaba talaga kanina sa T.L.E akala ko maling-mali talaga ang ginawa namin kanina kahit hindi gaanong kataasan ang grado, ginawa naman namin ang makakaya namin. Nakakapagod talaga! matapos kong umuwi galing iskul, kumain ako at naggawa ng ilang proyekto. Pagkatapos naglaba rin ako ng damit (nakakapagod talaga!). Pagkatapos nanood na ako ng telebisyon.