Miyerkules, Disyembre 11, 2013

Nakakadismaya Naman!

Mahal kong talaaraawan,

                 Nagayong araw na ito, maraming mga bagay na nangyari sa akin. Marami rin akong natutunan sa iba't-ibang guro namin. Nakakadismaya nga lang dahil noong oras na ng asignatura naming matematika, nadismaya ako dahil mababa ang nakuha kong iskor sa aming pagsusulit. (nakakadismaya talaga). Pero may natutunan pa rin ako ngayong araw na ito. Nakaka-'relate' ang sinabing kwento ni Mam Cabrera ngunit kapupulutan naman ng aral. Gayon din sa Filipino, kailangang  pahalagahan natin ang ating trabaho lalo na kung ito'y panandalian lamang, tandaan na walang permanenteng bagay dito sa mundo. Samantala, noong T.L.E namin, darang na darang kami ng aking ka-partner dahil malapait ng maipasa ang aming practicum. Naubusan kami ng RJ45 kaya hindi ko alam kung paano magpapasa ng practicum. Kaya naman nagtanong kami kung sino pa ang merong RJ45. Buti naman at meron pa rin sa aking mga kamag-aral na may mabuting puso^_^.  Palagi kaming nagkakamali kaya naman naiinis na kami sa paggawa nito. At iyong mga binigay ng aking mga kamag-aral ay ubos na rin kaya naman nagkalakal ako sa bag ko pero wala akong nakita. Isa na lang ang kulang naming RJ45. Wala talaga akong makikita dahil nasa loob ito ng wallet ko^_^. At noong uwian na dumiretso ako sa bahay, kumain at inayos ko rin ang mga proyektong malapit nang ipasa pagkatapos nagbasa ako ng kaunting manga^_^.