Biyernes, Disyembre 6, 2013

'Kainis!

Maha kong talaarawan,

           Ngayong araw na ito naroon pa rin kami sa pagtalakay sa akdang Banyaga ni Liwayway Arceo. Nagkaroon rin kami ng pagsulat na inilagay namin sa makulay na papel. Hiwalay ang ginawa ng kababaihan sa kalalakihan. Para sa mga babae, ano ang magagawa mo para makamit ang iyong mga pangarap? Para sa mga lalaki, paano mo maipapakita ang iyong paggalang sa mga kababaihan. Marami na nga naman ang mga kababaihan na umuunlad ngunit sawi pa rin sa pag-big o patuloy na naabuso. Kahit meron ng mauunlad na mga kababihan, meron pa rin silang kahinaan.
       
           Nakakainis! Dapat di ko na lang sinabi iyon! Kasi naman eh, Biro lang naman ang sinabi ko pero parang ang lakas ng dating sa kanya. Biro lang naman iyon at wala akong intensyong gawin itong personal sa kanya. Ang sa akin lang naman ay biro lang lahat ng mga sinabi ko pero tinotoo yata niya. Biro lang naman iyon at nasa sa kanya na kung tototohanin niya ang mga sinabi kong iyon. ^_^

KAISIPAN: Pag-isipan at Mag-ingat sa mga bagay na ating sa sasabihin dahil hindi natin alam na ang taong sinasabihan natin ay nasasaktan na pala.