Lunes, Disyembre 16, 2013

Aba! Himala!

Mahal kong talaarawan,


                Ngayong araw na ito nahuli na naman ako sa pagpasok at ganoon din sa flag ceremony. Kaya naman uulitin namin iyon, bukod sa akin, marami rin sa aking mga kamag-aral ang nahuli pero salamat pa rin dahil pinapasok kami ni Mam Manlagnit sa klase pero dapat daw sa susunod na taon ay huwag na kaming magpapahuli sa pagpasok dahil siguradong sa labas lang kami hanggang 12:10. Samantala, sa oras naman nang English nagkaroon kami ng gawain kung saan gagawa kami ng parody ng tulang The Road Not Taken. Magaganda ang gawa ng aking mga kamag-aral. Tinanong kami ng aming guro kung handa kami sa pagsasadula ng Christmas Carol bukas pero lahat kami ay hindi pa yata handa. Himala rin dahil kaunti kami sa klase dahil iyong iba ay bumisita sa kulungan. Ewan ko lang naging maganda ang pagsagot ko sa unit test namin sa Math pero alam kong makakakuha pa rin ako ng mababang marka dahil konti lang ang na-review ko kahapon dahil masyado akong nag-pokus sa paggawa ng mga project na ipapasa na. At noong sabado naman nagkaroon kami ng praktis kaya di rin ako nakapag-review. At magsisilbing leksyon iyon sa akin kahit alam kong di ako magaling sa Math. Natapos na namin ang talakayan namin sa Values kanina kaya naman nagkaroon kami ng Pagbabahagi ng masasayang selebrasyon na naranasan namin noong Nakaraang Pasko. Nakakatuwa dahil magaganda ang naging kasagutan ng aking mga kamag-aral. Nagkaroon rin kami ng panibagong talakayan sa A.P medyo mahaba nga lang kaya di ko na isusulat ^_^. Napag-aralan rin namin sa Filipino kung paano ang wastong pagbubuood at mga hakbang sa pagsasagawa nito. Nagkaroon kami ng gawain na inilagay namin sa kwaderno. Sa oras naman ng T.L.E wala ang aming guro kaya naman todo ingay kami. Kahit may substitute kay Mam todo ingay pa rin kami. ^_^