Mahal kong Talaarawan,
Ngayong araw na ito, hindi na ako masyadong minamalas (hindi katulad kahapon^_^). Marami akong natutunan ngayong araw na ito. Napuno ng masasayang pangyayari ang araw ko ngayon. Hay! Napakasaya ko talaga ngayong araw na ito bukod sa napuno ng kasiyahan kanina habang nagtatalakayan kami sa Filipino, marami rin akong natutunan. Masaya rin ako dahil nakita ko ulit ang Mama ko. Tuwing bakasyon lang kasi kami nagkikita. Sana palaging ganito ang araw ko: masaya, at punong-puno ng aral mula sa aming mga magulang at mga guro. Naroon pa rin kami sa pagtalakay sa Banyaga at napuno kami ng tawanan. Grabe! Tuwang-tuwa talaga kami kanina..Bukas naman, tatalakayin namin kung anong teorya ang nakapaloob sa panibagong aralin namin. Tawa-tawa din pag may oras!