Mahal kong talaarawan,
Simple lang naman ang gawain ng isang istudyanteng katulad ko^_^.Tuwing Lunes may "flag ceremony" kami at buti naman hindi na ko nahuli sa pagpasok (ganyan talaga^_^ pero baka mahuli naman ako sa susunod). Mabuti na lamang at naging masaya ang araw ko ngayong Lunes. Kahit wala si Gng Mixto, (siyempre maingay pa rin kami) pumalit muna si G. Mixto at magbigay ng kaunting gawain at tungkol ito sa akdang Kinagisnang Balon na iuulat sana ng Pangkat III. Mabilis ang naging takbo ng oras dahil hindi ko namalayan na T.L.E na pala, habang ito na ang aming asignatura may ipinagawa ang aming guro at kailangan itong ipasa bukas. At nang nag-uwian na, sa bahay ako agad dumiretso at doon ginawa ko ang aking takdang aralin na ipapasa bukas Ginawa ko rin ang aking portfolio sa Math na ipapasa sa biyernes. Pagkatapos nanood ako saglit at gumawa rin ng ilang gawaing bahay. ^_^