Nobyembre 28, 2013
Ngayong araw na ito tinalakay namin kung anong uri ng dula ang nakapaloob sa dulang Sinag sa Karimlan ni Dionisio Salazar. Ayon sa aming guro, ito ay dulang pansuliranin dahil ito ay tumatalakay sa isyung kontrobersyal sa paraang makatotohanan. Ginagamitan din ito ng pananaw na Sosyolohikal. Binigyan rin kami ng takdang aralin kung saan magdadala kami ng makulay na papel.