Biyernes, Nobyembre 15, 2013

Ano ba talaga? Hinimatay ba o Namatay??

Nobyembre 15, 2013

          Ngayong araw na ito, tinalakay namin kung ano ba talaga ang nagyari sa pangunahing tauhan sa akda na si Adong. Namatay ba talaga ito o baka naman hinimatay lang?  May iba naman na nagsasabing hinimatay daw ito dahil sa nahihilo 'daw'. May nagsasabi namang namatay daw ito. Ngunit ipinaliwanag ng aming guro na 'kabangisang sa kapayapaang biglang kumandong  sa kanya.' Nagpapatunay lamang ito na si Adong ay hindi HINIMATAY kundi NAMATAY. Pagkatapos nito ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain kung saan isusulat namin kung ano ang sanhi, bunga at solusyon  sa ibinigay na gawain sa amin.