Huwebes, Oktubre 17, 2013

Oktubre 18, 2013 (BIYERNES)

      
       
      Ngayong araw na ito pinag-aralan namin kung anong teorya ang nakapaloob sa tulang "LUHA" ni Rufino Alejandro. Ang teoryang nakapaloob sa tulang ito, ay ang teoryang HUMANISMO- ay pagsusuri ng akda batay sa damdaming namayani sa tauhan,nagpapakita ng mga kaisipan at mga panimula. Naglalahad din ito ng kagalingan ng tauhan. Pagkatapos naming talakayin ang teoryang nakapaloob sa tulang iyon, nagkaroon kami ng gawain kung saan isusulat namin sa kwaderno kung ang bawat katanungan ay nabibilang sa bisang pangkaisipan o bisang pandamdamin. Pagkatapos binigyan kami ng aming guro ng takdang aralin kung saan gagawa kami ng LIHAM na nagsasaad ng pagamin sa aming mga pagkakamali.