Biyernes, Disyembre 13, 2013

Pangarap

Mahal kong talaarawan,

              Ngayong araw na ito, nagkaroon kami ng gawain na inilagay namin sa makulay na papel. Tungkol ito sa mga pagtupad sa pangarap. Bago iyon, tinanong kami ng aming guro kung anong kurso ang gusto namin. Ginawa namin ang aming gawain batay sa mga kategoryang ibinigay ng aming guro. Nakakatuwa dahil marami na naman ang napulot ko sa aming mga guro. Akala ko rin ay mahihirapan ako sa bagong leksyon namin sa matematika pero nagkamali ako medyo sa mga talakayan hindi ko masyadong maintindihan pero kaunti lang naman. Kanina sa oras ng MAPEH maiingay kami kaya nagalit sa amin ang aming class president. Maingay kasi kami. Buti na lamang at Biyernes na dahil papanoorin ko sana ang pinapanood ko pero wala pa ring update :( Kaya naman fb fb muna ^_^


Bisang Pangkaisipan:

         Batay sa tinalakay namin ngayong araw na ito, dapat pag-isipan na natin ng mas maaga kung ano ang kurso na kukunin natin o ano ang gusto nating maging pagdating ng panahon dahil kung hindi tayo rin ang mahihirapan dahil ang kurso na dapat nting kunin ay iyong angkop sa ating kakayanan.