Huwebes, Oktubre 24, 2013

Oktubre 25,2013

               Ngayon ipinagpatuloy namin ang  takdang aralin namin na hindi namin natapos kahapon na pagahahambing sa mga tauhan nito na sina Felipe at Delfin ng Banaag at Sikat; Crisostomo Ibarra at Elias ng Noli Me Tangere batay sa kanilang kangian, paniniwala, paninindigan, mga naging desisyon at mga balakin.Sinabi rin ni Gng. Mixto na kailangan naming kumuha ng larawan kasama ang aming magulang habang hawak-hawak nila ang liham na aming ginawa. Ito lamang po!
Oktubre 24, 2013

            Ngayong araw na ito ay ipinagpatuloy namin ang aming hindi natapos na talakayin kahapon. Pinagdala kami ng buod ng Noli Me Tangere Ni Jose Rizal kahapon at ngayon ay binigyan kami ng gawain sa isang buong papel kung saan ihahambing namin ang mga tauhan sa kwento ng Banaag at Sikat sa kwento ng Noli Me Tangere. Ang mga tauhang iyon ay sina Felipe, Delfin, Crisostomo Ibarra, at Elias batay sa kanilang katangian, paniniwala, paninindigan at balakin. Isususlat rin namin ang aming reaksyon ukol dito. Hanggang dito na lang ulit!