Oktubre 23, 2013
Ngayong araw na ito ipinagpatuloy namin ang aming pangkatang gawain na hindi namin natapos kahapon. Isa-isang naiulat ng bawat pangkat ang mga hinihinging kasagutan sa mga katanungan na ibinigay sa bawat grupo na may kinalaman pa rin sa kwentong "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos.
"BANAAG AT SIKAT"
Bisang Pangkaisipan:
Nang mabasa ko ang kwento natutunan ko na marami ang mga taong yumaman lang ay tinatapk-tapakan na ang mga taong mahihirap, na dahil sa pera nila ay kaya nilang bilhin ang lahat ng bagay sa mundo.Bukod dito,marami pa akong natutunan na hindi hadlang ang estado ng buhay, mayaman ka man o mahirap para sa dalawang taong nag-iibigan.
Bisang Pandamdamin:
Nang mabasa ko ang kwento nakaramdam ako ng lungkot dahil maraming mayayaman ang umaabuso sa karapatan ng mga tao at manggagawa dahil akala nila kahit ang mga ito ay nagtatrabaho sa kanila, maaari na nilang gawin ang gusto nila sa ibang tao.
"Ang teoryang nakapaloob sa kwentong Banaag at Sikat ay Teoryang Eksistensiyalismo-na nangangahulugan sinusuri sa akda ang kilos, paniniwala, panindigan at sila rin ang magdedesisyon para sa kanilang buhay at Teoryang Realismo dahil maraming pangyayari sa akda na maaari nating makita o maranasan sa totoong buhay"