Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito, maaga kaming pinauwi ng aming guro dahil magkakaroon ng programa ang mga panghapon (hayahay talaga). Pagkatapos naming maglinis ng silid-aralan, sabay-sabay kaming umuwi ng aking mga kaibigan. Pagkagaling ko sa bahay, kumain ako at tumulong rin sa gawaing bahay. Pagkatapos binasa ko na aking paboritong manga (ito ay tawag sa Japanese comics) at pinanood ko rin ang aking paboritong anime. Nawiwili talaga ako sa mga anime (dahil ang pogi ang mga anime na lalaki haha). Pero kahit na ganoon, hindi ko pa rin talaga nakakalimutan ang gumawa ng aking takdang aralin at mga proyekto na dapat kong gawin. Kahit meron akong kinahihiligang bagay, hindi ko pa rin nalilimutan ang mga parayoridad ko sa buhay. Pero kung ako ang iyong tatanungin, maganda talaga ang manood ng anime hindi ko namalayan na naaadik na pala ako sa panonood nito^_^. At natuto rin ako na kahit gaano ka kahilig sa isang bagay, hindi mo dapat kalimutan ang mga tungkulin mo bilang istudyante.