Martes, Disyembre 17, 2013

Ang Ganda!

Mahal kong talaarawan,

              Ngayong araw na ito, nagkaraoon kami ng talakayan sa Chemistry tungkol sa iba't-ibang uri ng gas.  Samantala sa English nagkaroon naman kami ng di inaasahang unit test at sana ay maganda ang naging kalabasan ganun din naman sa Mapeh. Kahit nakakalungkot ang resulta ng unit test ko sa Math kahapon. Values namin ngayon at ipinasa namin ang aming portpolyo tapos binigyan kami ng pagkakataon para mag-praktis para sa Filipino. Eto na nga ang pinakahihintay ng lahat, ang presentasyon ng iba't-ibang grupo. Ang ganda talaga ng presentasyon ng ibang grupo kahit hindi gaano kagandahan ang sa amin ay nag-presenta pa rin kami^_^.  Teka, nakalimutan ko nagkaroon rin kami ng unit test sa T.L.E. Dahil kami ang tagalinis ngayon, medyo natagalan kami sa silid-aralan. Pagkauwi ko naglaba ako ng aming mga damit habang gumagawa ng proyekto sa English. Wala na akong masyadong ginagawa kaya naman nanood ako ng anime at nagbasa rin ng manga. 'Yun lamang po at maraming salamat sa pagbabasa sa mahal kong blog^_^.