Lunes, Disyembre 2, 2013

Hay, Malas!

Mahal kong Talaarawan,


                Hay, napakamalas ko talaga ngayong araw na ito, hay! May tatlo akong rason kong bakit ako malas. Una, dahil sa unang asignatura namin, hindi ako nakapag-"unit test". Dahil iyan sa pagiging huli ko sa klase. Pangalawa, hindi ko naipasa ang tinipong mga akda ko sa Filipino. Bakit? Dahil kulang pa iyon ng dalawang kwento at wala pang "folder". Pangatlo, hindi ako nakapag-pasa ng "poster" sa T.L.E. Dahil nakalimutan ko. Ang dami kong dahilan hindi ba? At akmang-akma iyan sa leksyon namin sa Edukasyong Pagpapahalaga: WASTONG PAGGAMIT NG ORAS. Sana naman pwede pang kumuha ng "unit test" sa "Chemistry". Sana naman pwede pang mag-pasa ng Mga Tinipong Akda sa Filipino. Hindi ko naman isissi ang mga iyon sa iba. Kasalanan ko rin naman kasi. Maraming pumasok sa utak ko: Sana pala gumising ako ng mas maaga para nakakuha ako ng "unit test". Sana pala ginawa ko ng mas maaga iyong mga akda sa Filipino para nakapag-pasa ako. Sana pala ginawa ko iyong "poster" para may naipasa ako. Tama nga ang ating mga guro at magulang, kung sana lang ay sinunod ang mga payo nila at kung sana ay ginawa ang mga ipinapagawa nila, sana walang problema, kung sana mas pinahalagahan ko ang oras, wala sanang problema.

KAISIPAN: Matuto tayong magpahalaga sa oras para sa bandang huli, hindi tayo nagsisisi.

                       Nagkaroon rin kami ng panibagong talakayan, tinalakay namin ang akdang BANYAGA. At pagkatapos noon, nagbigay ng mga katanungan ang aming guro tunkol sa akda.At ipinasa rin namin ang aming akda. At sa kasamaang palad, hindi ko ito naipasa dahil mayroon pang kulang.