Huwebes, Disyembre 5, 2013

Beki Boom, Lalalalala!

Mahal kong Talaarawan,

                Ngayong araw na ito, itinuloy namin ang pangkatang gawain na hindi namin natapos kahapon. Pagkatapos bawat pangkat ay  nagulat sa unahan merong nagbalita, gumawa ng patimpalak, talk show at iba pa. Sa amin napapunta ang pagsagot sa katanungan gamit ang pagsasagawa ng patimpalak (that's my BEKI).
Napuno na naman ng tawanan at kaingayan ang aming silid-aralan (hahaha) at maging sa huli naming asignatura maingay pa rin kami. Grabe! ang galing-galing ng mga kalahok (si Grumo at Latigay A.). Nakakaloka! Pero ganunpaman marami pa akong panibagong natutunan ngayong araw na ito.


Bisang Pangkaisipan:

                 Hindi natin kailangang mabago kung ikakasama ng iba, magbago tayo para sa sarili natin at hindi nakakasakit sa damdamin ng iba. Matutong tayong magsakripisyo sa ibang bagay na makakatulong sa ating sarili para maabot ang ating mga panagarap pero matuto tayong maging mapagpakumbaba at nananatiling nakatapak ang ating mga paa sa lupa. 'Ika nga " Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento