Mahal kong Talaarawan,
Ngayong araw na ito tinalakay namin ang teoryang nakapaloob sa akdang BANYAGA. Pagkatapos noon ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain. At siyempre, hindi mawawala ang pagiging maingay namin. Pagkatapos, sinabi ni Gng. Mixto na bukas na lamang kami mag-ulat dahil wala ng oras. At habang nagtatalakayan kami sa T.L.E, hinding-hindi mawawala ang pagiging maingay namin kakambal na yata namin iyon e. Walang araw o oras na naging tahimik kami. Ingay dito,Ingay doon, ingay sa lahat! Idagdag pa ang mainit na sinag ng araw. Kaya sari-saring sermon ang natatanggap namin mula sa aming mga guro ay dahil sa aming kaingayn. Magkagayon man, may natutunan pa rin naman ako ngayong araw na ito. Siyempre nadadamay ako sa kadaldalan ng iba ( grabe nag-salita ang tahimik!^_^), pero siyempre hindi talaga natin maiiwasan ang mag-ingay pero dapat iyong sakto lang at hindi nakakasakit sa tainga.
KAISIPAN: Huwag nang mag-ingay para hindi nakakadamay ng iba (hahahahaha! biro lang!)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento