Sabado, Disyembre 14, 2013

Tamang Praktis

Mahal kong talaarawan,

            Hay! Sabado na naman. Ilang araw na lang, magpapasko na. Ngayong araw na ito, nagkaroon kami ng praktis sa English. Isasadula namin ang Christmas Carol ni Charles Dickens. Marami ang hindi kumpleto kaya naman konti lang ang napag-usapan namin. Umalis rin kami kaagad. Pero inassigned na kami kung ano ang gaganapan namin para sa dula. Kaya iyon! umuwi na kami ng kaibigan ko. Pagkagaling ko sa amin naggawa ako ng assignment at pagkatapos nagwalis ng kaunti. Pagkatapos nag facebook na rin ako isinabay ko na rin ang panood ng anime at pagbabasa ng manga. Tamang adik lang kasi. Hay!  Naiinis na nga ako kasi hinihiram ng kapatid ko itong laptop(pahinga pahinga rin daw pag may tym)^_^. Pero bago iyon naalala ko na kailangan kong mag-post sa blog ko dahil kung hindi siguradong hindi ako makakapag-update.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento