Miyerkules, Disyembre 18, 2013

Nakakapagaod na araw!

Mahal kong talaarawan,

                    Ngayong araw na ito kaunting oras lamang ang ginugol namin bawat asignatura dahil may programa mamaya ang mga panghapon. Sa oras ng Chemistry tinuloy lamang namin ang talakayan namin na hindi natapos kahapon. Sa English naman, tsinekan namin ang aming unit test. Hay! palaga na lang ganoon ang baba ng nakuha kong puntos pero hindi naman ako nangopya. Sa Math naman nagtsek lang din kami ng unit test ng ibang seksyon at ganoon din sa Mapeh. Wala kaming A.P ngayon kaya naman pinanood ng aming adviser at guro sa Filipino ang presentasyon ng bawat grupo na kumanta. Ang gagaling talaga nila parang gusto ko tuloy mag-aral maggitara at kumanta. Hindi na kami nag-T.L.E dahil maaga kaming pinauwi ngayon. Pag-uwi ko sa amin magpo-post sana ako dito sa blog ko kaya lang ay hindi natuloy dahil umalis kami ng tita ko kasama ang kapatid ko para bumili ng shirt dahil may pantalon na kami. Nakakapagod siyempre mag-ikot-ikot at siyempre walang mapili dahil ang gaganda ng mga damit doon HAHAHA ^_^.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento