Martes, Marso 11, 2014

REBYU

REBYUNG PAMPELIKULA:


   

          1.         Ang pelikulang "The Girl who Leapt through time" ay isang Japanese animated science fiction romance at ipinurodyos ng Madhouse sa direksyon ni Mamoru Hosoda at panulat ni Satoku Okudera. Ito ay inireleased noong July 15, 2006 at nagkaroon ng sari-saring magagandang komento galing sa manonood. Humakot rin ito ng mga awards kagaya ng Japan Academy Prize for Animation of the Year. Nagkaroon rin ito nang English version noong 2008. 
                  Ang pelikulang ito ay ay pinagbibidahan ni Makoto Konno na siyang merong kakayahan na makapag-time travel. Akala ko noong una ko itong pinanood ay isa siyang lalaki dahil sa kanyang kilos. At kanyang tiya na si Kazuno Yoshima na kadalasan ay tinatawag niyang "Auntie Witch". Kagaya ni Makoto meron rin siyang kakayahan na makapag time travel noong kaedad niya ito. At meron rin siyang mga kaibigan sina Chiaki Mamiya at KousukeTsuda na palagi niyang kasama. 
                   Habang papauwi na si Makoto galing sa kanyang paaralan, nakasakay na siya noon sa kanyang bike, nawalan ito ng preno at tumama ang bike sa tren at nasira. Simula noon ay ginagamit niya ang kanyang pagtatime travel para maiwasan niya  ang mga kapalpakan niya kagaya na lang ng pagiging late niya sa pagpasok at noong nagexam sila sa math at nakaperfect siya. Ginagamit niya ito sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Kaya siya natutong makapag-time travel ay dahil sa napulot niyang bagay na hugis walnut na dahilan kung bakit siya natutong makapag-time leap. Ginamit rin niya ang pagtatime travel noong nagtapat nang pag-ibig ang kanyang kaibigan na si Chiaki para  iwasan pero habang nagtatime travel siya ay paulit-ulit ang sinasabi nito tungkol sa kanyang nararamdaman. Habang ginagamit niya ang pagtatime travel ay nauubos din ang oras na makapagtime travel siya. Isang araw habang nagbabike ang isa niyang kaibigan na si Kousuke, ginamit niya ang bike ni Makoto pero wala itong preno. At para mailigtas ito sa kapahamakan kailangan nitong gamitin ang natitira nitong oras para mailigtas si Kousuke. Doon nalaman rin ni Chiaki na si Makoto ay nakakapagtime travel. Pagkatapos ay parang tumigil ang oras at si Chiaki at Makoto na lamang ang natira. Ipinagtapat niya kay Makoto na may kakayahan din siyang makapag-time travel. Sinabi rin ni Chiaki kay Makoto na siya ay galing mula sa future. Ipinangako ni Makoto na mananatiling naroon ang painting para makita pa rin ito ni Chiaki sa kanyang mundo. Bago umalis si Chiaki sinabi nito na hihintayin nito si Makoto sa future. Tinanong ni Kousuke kung nasaan si Chiaki idinahilan nito na ito ay nag-aaral sa ibang bansa.
                      Noong pinanood ko ito hindi ko maiwasang mainis kay Makoto dahil sa daming oras niyang sinayang at ginamit pa niya ang pagtatime travel para makaiwas sa nararamdaman ni Chiaki para sa kanya. Akala ko pa naman ay magiging sila rin sa huli, hindi pala. Pero kahit na ganoon may natutunan ako sa kasabihang nasa blackboard na "Time waits for no one" parang may pagkakapareho din ito sa kasabihang Time is Gold ^_^.  Ipinapakita rin kasi rito kung gaano kahalaga ang oras. Ang oras ay sinasayang at sa kabilang banda ginagamit sa wastong paraan.


                     
                 
       2             Ang pelikulang Anohana ay isang Japanese series na may 11 episode at ginawan ng movie na ipapalabas pa lamang sa Amerika. Ito ay tungkol sa anim na magkakaibigan na si Jintan, Poppo, Menma, Naruko, Tsuruko, Yukiatsu, at Anaru. Si Menma ay namatay dahil sa isang aksidente. Si Menma ay nagpapakita sa kanyang kaibigan na si Jintan at ayaw paniwalaan ng kanyang mga kaibigan at nais ni Menma na matupad ang kanyang hiling at sinabi kay Jintan na hindi siya makakapunta sa afterlife kapag hindi ito natupad. Pero hindi alam ni Menma kung ano ang kanyang hiling kaya naman muling pinagsama-sama ni Jintan ang kanilang mga kaibigan dahil sa paniniwalang ito ang solusyon para matupad ang hiling ni Menma. Maraming mga internal conflicts mula sa mga magulang ni Menma na nagresulta ng mga kumplikasyon para hindi sila makamove on sa pagkamatay ni Menma.
                     Natutunan ko sa pelikulang ito na huwag nating patuloy sisihin ang ating sarili dahil kagaya sa kalagayan nila, sinisi ni Jintan ang kanyang sarili dahil iniisip nito na siya ng dahilan kung bakit namatay ang kanilang kaibigan. Huwag nating hayaang patuloy nalamunin tayo ng pagkasakim dahil ang nangyari ay nangyari na.

REBYUNG PAMBABASAHIN:


                  Ang babasahing rec- kimi ga naita hi ay tungkol sa babaeng nagngangalang Aizawa Minami na kahit kailan ay hindi naranasan umiyak. Palagi siyang may dala-dalang camcorder para kuhanan ang mga gusto niya. Kaya naman tinagurian siyang baliw nang kanyang mga kaklase. Merong isang lalaki na nagngangalang Satoru, kaklase niya ito at sinabi niya na naiintindihan siya nito. Si Satoru ay mayroong karamdaman ngunit hindi na  nagagaling. Kaya halos araw-araw ay wala itong tigil sa pag pi-film sa kanya. Sinabi ni Aizawa na tigilan na ang pagkuha ng film. Isang araw dinala si Satoru sa ospital dahil lumulubha na ang kanyang karamdaman, noong una medyo ayos pa ang lagay nito. Noong pangalawa na inaatake na naman siya ay hindi niya tinawag ang nars bagkus bumangon ito kahit nahihirapan na at hinalikan si Aizawa sa labi habang ito ay natutulog. Doon tuluyang bumigay ang kanyang katawan at namatay. Nalaman ni Aizawa mula sa isang lalaki ang ginawa nitong hindi pag-abala sa kanya noong inaatake ito. Kaya naman ang babaing kahit minsan sa buhay niya ay hindi umiiyak, ay umiyak ng malaman lahat ng iyon sa unang pagkakataon.

                  Habang binabasa ko ang  manga na ito ay hindi ko maiwasang mapaiyak. Mabubuhay pa sana iyong lalaki kaya lang ay hindi niya inabala man lang si Aizawa o kaya ay pinindot iyong botton para tawagin iyong nars. Natutunan ko na habang nariyan pa ang mga mahal natin sa buhay, sulitin na natin ang mga panahon na tayo ay nasa tabi nila dahil hindi natin alam ang mangyayari kinabukasan
                    
               




Biyernes, Marso 7, 2014

Hay Buhay!

Mahal kong talaarawan,

                       Ngayong araw na ito tinalakay namin ang rebyu at kung paano gumawa ng isang rebyu pagkatapos ay ipinasa namin ang aming takdang aralin na gumawa ng rebyung pelikula, akda, at musika ( ay naku sa halip na akda ay lipunan ang nagawa ko -.- mali tuloy!). Pagkatapos ay gumawa kami ng aktibiti kung saan gagawan namin ng rebyu ang napanood na naming  pelikula at nabasang akda. Matapos basahin ng aming kamag-aral ang kanyang gawa na si Capon pumalakpak ang kamag-aral ko kaya nakipalakpak na rin ako nasita rin tuloy ako  ^_^ ( sige janelle, palakpak pa ha?) hahaha.. Yon lamang po! Salamat sa pagbabasa ng aking Blog!

Huwebes, Marso 6, 2014

Mabuhay

Mahal kong talaarawan,

                     Ngayong araw na ito ay medyo nahuli ng dating ang aming guro sa Filipino kaya akala ko ay wala ulit kaming Filipino. Pagkatapos ay tinalakay namin ang ilang kababaihan sa Noli Me Tangere gaya ni Maria Clara, Sisa, Donya Victorina at Donya Consolacion. Medyo natawa ako kung paano ilarawan noong mayakda sina Donya Victorina at Donya Consolacion (di ko napigilan ^-^). At tinalakay rin namin ang mga bagay na nagawa nila para magtagumpay sila at kung ano ang mga kahinaan nila.

Lunes, Marso 3, 2014

Hala!

Mahal kong talaarawan,

                  Ngayong araw na ito abot-abot ang sermon ang nasagap namin. (nasagap talaga??). Ang ingay daw kasi namin.. hahahaha.. Aabot na daw sa Office ang aming kaingayan kaya ayon at natigilan din kami (pero isang segundo lang at ayun balik ingay na naman). Nagbalik aral muna kami sa aming tinalakay noong nakaraan. At tsinekan din namin iyong aming takdang aralin na teoryang feminismo. Yon lang!!!

Lunes, Pebrero 24, 2014

Hahaha. Baliw?

Mahal kong talaarawan,

                    Nayong araw na ito ay binalikan namin ang mga tinalakay namin noong biyernes. Mayroon pa nga na ibinigay na takdang aralin noong nakaraang Biyernes tapos ay tsinek lang namin. Buti na lang may tsagot ako. Hoooh! Buti na lang talaga! Pagkatapos ay inihambing ang pagkakaiba ni Medusa kay Galema. Sabi nung iba marami daw ahas sa ulo si Medusa at si Galema ay sa balikat lang may ahas, Ganoon ba?hahaha >.< Yan tayo ehh. Medyo tuwang tuwa ang III- Diamond ngayon ah? Ang Ingay. Meron naman akong kamag-aral na todo pumalakpak ayan tuloy, nasita ni Mam ( sige corpuz, palakpak pa ha?). Joke lang!

Linggo, Pebrero 23, 2014

Yan tayo ehh

Mahal kong talaarawan,

                  Ngayong araw na ito ay nnanood ulit ako ng anime( sipag noh?) mas inuuna pa angkung anu-ano kaysa sa mga takdang aralin. Kakatapos ko lang maglaba ng aming mga damit. Kaya nagpahinga muna ako. Pagkatapos ay sinagutan ko iyong iba naming takdang aralin. Hay! Tapos may proyekto pa ang aking kapatid sa Filipino. At ako pa talaga ang pinaggawa.. Hmmmp! Ayoko pa sanang gawin pero baka bawiin niya iyong ibinigay niya sa akin ( yan tayo ehhh!). Pagkatapos kong gawin ang proyekto niya ay nag- facebook na ako. Naglaro nang konti tapos ay naglinis ulit ng kuwarto.

Sabado, Pebrero 22, 2014

Balik sa Dati.

Mahal kong Talaarawan,

                     Ngayong araw na ito ay sabado. Kaya malamang wala kaming pasok. Sakto pa dahil kaarawan ng aking bunsong kapatid. Nasa probinsiya siya ngayon kasama ng aking "mommy" at " daddy" xD. Nagpaload agad ako ng cellphone ko at binati ang kapatid ko. Pagkatapos ay balik na naman sa dati ang gawi ko. Facebook, nood t.v tapos nanood ng anime ( Kuroko's Basketball). Ewan ko kung bakit pero ampogi kasi nila doon Ehh. ! Pagkatapos naglinis ako ng aming kuwarto at pinaglalagyan ng gamit ko. Ang dumi na! Parang pinagbahayan ng ahas! Ayun balik na naman sa Dati.

Biyernes, Pebrero 21, 2014

YEah!

Mahal kong talaarawan,

              Ngayong araw na ito ay wala nang nagddeemo. ( huhu! wala ng chocolate!Joke). Sa totoo lang kasi masaya dahil meron na kaming a.p, filipino, at t.l.e., At medyo nahuhuli na rin kami sa talakayan. Ayan na! Ayan na ! Filipino na! Kinakabahan talaga ako. Siyempre panung hindi ka kakabahan, eh paano kung ikaw ang mabunot para magbasa ng ginawa mong tula? Buti na lang may gawa na ako kahit papaano. At salamat dahil hindi ako natawag ( yes!). Pinag-aralan namin ang Kabanata ng Erehe at Filibustero. At pagkatapos ay nagbigay ng mga katanungan ang aming guro matapos basahin.

Huwebes, Pebrero 20, 2014

Ayayay! Chocolatee! nomnomnom

Mahal kong talaarawan,

              Iba ang aura ko ngayong araw na ito. Noong mga nakaraang araw kasi ay walang gana tuwing may nag-dedemo. Pero iba ngayon. Sabihin na natin na dahil lang sa CHOCOLATE. ^_^. Iyong nagdemo kasi sa amin ay nagbigay nang chocolate. Yan tuloy ginanahan ako. Parang gusto ko pa nga ehh. Hahahha. Sarap kasi ng chocolate. Pero siyempre ay nakakatamad makinig dahil alam ko na iyong tinuturo nila (jowk!-.-) . Huhuhu. Nakakamiss mag-Filipino.

Miyerkules, Pebrero 19, 2014

Hoooh!

Mahal kong Talaarawan,

               Kagaya kahapon ay may demo na naman. Pero okay na rin naman dahil nakakatuwa rin ang mga nag-dedemo sa amin. Iyong iba ay kinakabahan at iyong iba napaka- energetic. Kagaya ng nagdemo ngayon sa amin sa asignaturang Chemistry din. May expirement pa! Astig talaga. Hay nakakalungkot naman kasi walang Filipino. Tapos ang aga pa namin mag-break kaya nakakagutom din agad. Siyempre sa tuwing may nag-dedemo ay wala kaming takdang aralin kaya keri na rin yan!

Martes, Pebrero 18, 2014

Hay! ayan na naman..

Mahal kong Talaarawan,

                      Ngayong araw na ito ay wala pa rin kaming Filipino sa kadahilanang meron na namang nag-dedemo. Akala ko pa naman ay may pogi ulit na mag-dedemo sa amin. Dagdag pa ang nakakaboring na talakayan sa matematika. Pasensya na pero math kasi. Alam niyo na pang-henyo. At hindi ko alam kung bakit tuwing math ang asignatura ay bigla akong nasa-shut down. Ibig sabihin walang energy o di kaya naman ay inaantok. Pero meron din naman akong natutunan kahit napag-aralan na namin ang ibang topic nila.

Lunes, Pebrero 17, 2014

Ayiiiieee! kilig!

Mahal kong talaarawan,

               Ngayong araw na ito wala kaming Filipino dahil may nag-demo. Hindi ko alam kung matutuwa o hindi dahil medyo huli na kami sa talakayan. Pero iyong iba ay tuwang tuwa dahil may tsokolate na prize sa  mga sumagot(-.-). hmpp! biro lang! Pero siyempre nakakaantok dahil nakaka-boring iyong iba. Sana nag-Filipino na lang pala! Mas masaya pa! ^_^. At siyempre medyo nagka-energy dahil ampogi ng nag-demo! yieeeeee! kilig!. Hmmp! meron naman na bitter masyado..! hahaha! pero masaya rin naman ang talakayan kahit papaano! Ikaw ba naman na kiligin yung tipong nawala ang antok mo dahil sa poging nag-dedemo? jowk!

Biyernes, Pebrero 14, 2014

Oo na!

Mahal kong Talaarawan,

                  Ngayong araw na ito ay masayang-masaya ako. Siyempre sino ba namang hindi? Eh Js na kaya? Hahahah^_^. Hindi, actually feeling ko kasi ang ganda-ganda ko nang mga araw na ito. Ay mali, feeling ko pala Napaka-GANDA ko^_^. Pero siyempre feeling ko lang yon kaya pagbigyan na. Siyempre nakaka-anto-.- pinipigilan ko na nga lang antok ko. Pero di kaya na superpowers ko kahit uminom na ako ng 2 tasa ng kape^_^( jowk.. Isang tasa lang pala yon). Nakaka-antok talaga. Di kasi ako sanay sa puyatan eh^_^. Kaya ayun pag-uwi ko sa amin ay natulog ulit ako. Feeling maganda paeh Hahaha^_^

Huwebes, Pebrero 13, 2014

Naku Naman!

Mahal kong Talaarawan,

               Naku naman! Naiinis na ako! Akala ko pa naman ay hindi na ako male-late pero sabi nga nila ay marami ang nagkakamali sa maling akala ^_^. Pero ayos na rin yon kesa absent^_^ . Iyan ang sikat na motto ng mga estudyante katulad ko. Ayan kasi, puro JS ang nasa isip! ayan tuloy nalate na! (yan tayo eh! excited much?). At saka medyo antok na rin ako kaya pag-uwi ko ay kumain muna ako tapos ay umidlip muna ng konti.

Miyerkules, Pebrero 12, 2014

Ganyan talaga kami ^_^

Mahal kong Talaarawan

               Hindi na namin tinapos ang pinapanood namin dahil malapit na kami sa wakas nito. Kaya naman nagklase na lang kami. Sabi ko pa naman sa sarili ko ay papanoorin ko kung anong nangyari doon sa pinanood namin ni Jose Rizal. Daig ko pa yata ang nagka-amnesia nito. Saka ko lamang naalala kung kailan nasa paaralan na ako -.- Hay naku! Talaga naman! Tinanong kami ni Mam kung sino ang nakapanood ng wakas ng Jose Rizal. Oo tama, hindi lima o sampu ang nagtaas ng kamay. Kunsi isa lang sa aming kamag-aral. (ayy! ganyan na talaga)^_^

Martes, Pebrero 11, 2014

Iba talaga ang Antok !

Mahal kong talaarawan,

             Ipinagpatuloy namin ang panonood ng Jose Rizal. Habang nanood ay di ko mapigilang antukin. Daig ko pa yata ang isang College Student na may kursong Engineering(chos!). Hindi naman sa naiinip ako kaya lang ay inaantok na ako. Katulad kahapon ay hindi rin kami natapos sa aming pinapanood pero malapit na kami sa wakas ng pelikulang iyon.

Lunes, Pebrero 10, 2014

Balikan ang Nakaraan^_^

Mahal kong talaarawan,

             Ngayong araw na ito ay pinanood sa amin ng aming guro ang Jose Rizal ng GMA FIlms. Kasama na rito ang mga akdang nagawa niyang nobela gaya ng NoliMe Tangere at El Filibusterismo. Siyempre kasama din doon iyong patungkol sa kanyang pamilya, mga problemang kanyang kinaharap noong bata pa maging sa kanyang paglaki, hindi rin mawawala doon ang kanyang buhay pag-ibig^_^(naks). Para akong nasa panahong iyon. Kung paanong naging alipin at sunud-sunuran ang mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.mhabang oras ang kailangan namin doon dahil napakahaba ng pelikula. HIndi namin natapos kaya itutuloy namin bukas.

Biyernes, Pebrero 7, 2014

Yehey! Biyernes na!

Mahal kong talaarawan,

                 Ngayong araw na ito ay gumawa kami ng isang sulat, mensahe, liham at tula kung saan susulat kami sa Pangulo tungkol sa kaganapan sa Zamboanga. Bago ito ay may nagbasa muna sa unahan ng ginawa nilang tula. Ilan ang hindi gumawa pero may dalawa akong kamag-aral na nag-resayt sa unahan. Magaganda ang kanilang mga tula. Buti na lang at hindi pa ako natatawag hindi pa kasi ako nakakagawa ^_^. Pero gagawa na rin ako baka sa lunes ay bigla akong tawagin.

Huwebes, Pebrero 6, 2014

Hamahgahd!

Mahal kong talaarawan,

               Ngayong araw na ito ay nagkaroon ulit nang pangkatang gawain pero patungkol pa rin ito sa akdang Bangkang Papel. Pagkatapos ay binigyan rin kami ng takdang aralin ng aming guro kung saan susuriin namin kung anong teorya ang nakapaloob sa akdang ito.

Miyerkules, Pebrero 5, 2014

Nakakalito!

Mahal kong talaarawan,

                  Ngayong araw na ito ay sinuri namin ng mabuti ang akda. Masyadong maraming paligoy-ligoy ang akdang ito. Nakakamangha lang ang sumulat ng akdang ito dahil bukod sa magaling na ay magaling rin siyang magpaligoy-ligoy nga kwento. Hindi man direktan sinabi sa akda kung ano talaga ang dahilan pero kung susuriin mo ng maigi ay masasabi mo na lang sa sarili mo na, "Hala mali pala ang naisip ko. Ang galing naman nung may akda!". Pero hindi ko alam kung ano ang pananaw ng iba tumgkol sa may akda.

Martes, Pebrero 4, 2014

Bangkang Papel

Mahal kong talaarawan,

             Ngayong araw na ito, ay gumawa muna kami ng bangkang papel (hindi po ito iyon akda hahaha) pagkatapos ay isinulat ko ang aking pangngalan, taon at pangkat, at sa gitna ay iyong aking pangarap at ikinorte ko ito na parang isang bangka. Nagmamadali ako sa pagpasa dahil baka hindi na tanngapin kapag nahuli ^_^.  Pagkatapos ay nagbasa ang isa naming kamag-aral sa unahan ang akdang bangkang papel. Sinagutan rin namin ang ilang katanungan at dumiretso na kami sa pangkatan

Lunes, Pebrero 3, 2014

hahahaha!

Mahal kong talaarawan,

                Unang beses ko na naman na maguupdate dito sa blog ko. Matapos ang ilang taon  hahaha. Hindi, ngayon lang ulit talaga ako maguupdate dahil lumiban ako ng ilang linggo. Masyadong masaya ang araw na ito. Nagkaroon kami pangkatan. Matapos ito ay sinabi ng aming guro na magsaliksik ukol sa akdang bangkang papel. Pero sabi ng iba kung kaklase ay kung gagawa daw ng bangkang papel. Hahahah! Natawa talaga ako dito eh. Marami akong na-miss sa pagliban ko. Pero hindi ko naipasa ang aking takdang aralin sa Filipino na humanap g pelikulang may teoryang saykolohikal dahil gabi na kami nakauwi dito sa amin galing probinsya.

Martes, Enero 21, 2014

Yahoo!

Mahal kong talaarawan,

           Ngayong araw na ito ay tapos na ang aming presentaston ^_^. Kaya naman wala na akong ipag-aalala. Ayy! Meron pa pala! Nawala na kasi 'yong payong nang kapatid ko. Nasaan na kaya yon? Tiyak na magagalit iyon kapag nalaman niya. Sa Filipino pinag-aralan namina an , Ang Kalupi. Matapos ko itong mabasa ay nainis ako kay Aling Marta. Pinagbibintangan niya si Andres na kumuha ng kanyang pitaka nang walang ebedensiya at hinusgahan pa batay sa kanyang pisikal na anyo. NAkakainis lang talaga! (anong kadramahan kong ito!). Pero may napulot din akong aral doon na "Huwag husgahan ang isang tao batay sa kanyang pisikal na anyo bagkos ay kung paano niya tratuhin ang ibang tao."

Lunes, Enero 20, 2014

Ayyy Ewan!

Mahal kong talaarawan,

                Ngayong araw na ito ay gumawa kami ng tula. Inilagay muna namin ito sa isang buong papel at titingnan muna ni Mam bago ipasa. Bale 12 kaming lahat sa grupo at tig-iisang saknong lang ang kailangan dahil nga madami kami.  Iisa lang ang paksa namin ito ay ang pagmamahalsa magulang siyempre sinabi na namin ang mga gusto naminng sabihin sa pamamagitan ng tula. Uwian na namin at paniguradong may praktis na naman kami para sa MAPEH. Bukas na kasi ang presentasyon namin kaya 'yon todo praktis. Bago magpraktis umuwi muna ako. Sinabi ko na may kukunin lang ako pero siyampre kumain na rin ako. Pero pag balik ko sa paaralan ay di pa nagsisimula kaya nagpahinga muna ako. Dinala ko yong payong ko dahil mukhang uulan. Alas-tres na kami natapos sa pagpapraktis at nagugutom pa rin ako kahit nagtanghalian na ako^_^. Umuwi na ako at kasabay ko ang aking mga kagrupo. Puro tawanan lang kami at ingayan habang nasa daan. Marami akong ginawa kaya nung gabi ko na lang naalala na naiwan ko pala yong payong ko >_<. Sana nandoon pa iyon.

Linggo, Enero 19, 2014

Ang Nakakabagot Na araw..^_^

Mahal kong talaarawan,

                 Ngayong araw na ito ay maaga akong nagising. Ewan ko kung bakit pero kadalasan ay ako ang huling gumising sa aming lahat. Maganda na rin ang ganoon para hindi masayadong tumaba hahaha xD. Dahil natapos ko na ang aking mga takdang aralin ay wala akong ginawa kundi mag-text gamit ang aking cellphone. 'Boring talaga hays! Salamat naman at wala kaming praktis ngayon. At dahil Linggo ngayon, naglaba ako ng mga damit (masipag eh).
                  Siyempre nanood din ako ng telebisyon. Kung ano-ano lang ang pinapanood ko. Walang magawa eh. At saka nagawa ko na kahapon ang mga kailangan kong gawin. Mas maganda nang tapos lahat para walang problema.

Sabado, Enero 18, 2014

Sabado na naman!

Mahal kong talaarawan,

          Ngayong araw na ito ay nahuli ako sa paggising. Balak ko pa naman sanang gumising ng maaga para makapag-ehersisyo^_^. Kaya lang ay di natuloy malamig ang panahon tapos ay inaantok pa ako. Paggising ko ay ginawa ko na agad ang aking mga takdang aralin para hindi ako naghahabol ng oras. Gusto ko kasing matapos agad ang aking gawain para kaunti na lang ang gagawin ko. Nagpraktis ulit kami ng sayaw. Nagsimula kami noong 2:00 ng hapon hanggang 5:00. hidi talaga kami tumigil hangga't hindi namin nakukuha ng tama. Nagkaroon rin ng katuwaan ang aming grupo habang nagpapraktis. Tawa kami ng tawa. Kahit mayroong kulang sa aming miyembro ay nagpraktis pa rin kami para sa Lunes ay kabisado na namin ang mga step.

Biyernes, Enero 17, 2014

Hay! Nakakapagod na Araw

Mahal kong Talaarawan,

           Ngayong araw na ito ay wala si Gng. Mixto kaya iba muna ang pumalit pero ngayong araw lamang na ito. Sa isang makulay na papel ay gumawa kami ng tula. Mahaba-habang oras ang kinailangan namin sa paggagawa ng tula. Meron ring mga pamantayan sa paggawa ng tula na aming pinagbatayan para makagawa ng isang orihinal na tula. Salamat naman at nasa oras akong natapos sa paggawa ng tula. Medyo nahirapan rin kasi akong mag-isip. Tulang pandamdamin ang ginawa naming tula kaya medyo natagalan. At saka kahit anong paksa basta tulang pandamdamin lang ang aming gagawin. Hay! ngayong araw rin na ito ay isang nakakapagod na araw para sa akin. Nagpraktis kami ng sayaw para sa Martes. Ito ay isang recquirement naminsa Mapeh. Nagawa rin namin ng maayos lamang ay nagkakamali ako. Sino ang magsasabing mahirap nga talaga ang pagsayaw? Siyempre ay hindi naman ako magaling kaya mahirap talaga. Matapos kaming magpraktis ay umuwi na ako sa amin para kumain. Naglaba rin ako ng mga damit namin at sinama ko na rin ang bag ko. Nakakapagod talaga. Ni hindi ko pa nagagawa ang iba naming takdang aralin at sa palagay ko ay bukas na lang^_^.

Huwebes, Enero 16, 2014

Hays! Nakakapagod Naman!


Mahal kong talaarawan,

            Ngaying araw na ito ay tinalakay namin kung ano ang teoryang nakapaloob sa tulang Ang Pamana. Ito ay teoryang Humanismo. Pagkatapos binasa ng aming guro ang sulat ng ama/ina para sa kanilang anak. Ito ay narinig ko na noong Recollection namin kaya pamilyar namin. Pero hindi pa rin mawawala ang lungkot na nadarama ko kapag naipapabatid ang mensahe nito. Pagkatapos, sa isang makulay na papel gagawa kami ng liham patungkol sa aming mga magulang at isinulat ang mga nais naming sabihin. At ayun! ipinasa na namin ang aming mga gawa. Hay! Nakakpagod talaga ang mag-praktis at nakakgutom pa. Pinraktis namin ang aming sayaw sa Mapeh na Chinese Fan Dance. Nakakpagod palang sumayaw. Natapos kami ng alas-3 kaya talaga namang nakakgutom. Pero mabuti naman at natapos na namin ang mga step namin pero tuloy pa rin ang praktis. Pareho pa namang kaliwa ang paa ko! Hahahaha!

Miyerkules, Enero 15, 2014

Panalo ba? Hahaha!

Mahal kong talaarawan,

               Ngayong araw na ito, nandoon pa rin kami sa pagtalakay sa tulang Ang Pamana. Binigyan kami kahapon ng aming guro ng takdang-aralin kung saan hahanap kami ng kanta na tungkol sa Nanay. Marami sa amin ay pare-pareho ng kanta. Nagkaroon kami ng activity kung saan paramihan ng kanta ang bawat grupo. Magkakaparehas kami ng takdang-aralin pero mas marami ang magkakapareho ng Sa Ugoy Ng Duyan. Pero kami ang nanalo! Hahaha!^_^. Kinanta namin ang Sa ugoy Ng Duyan tapos inihambing namin ang pagkakapareho ng tula doon sa kanta. Pagkatapos binigyan kami ng takdang aralin kung saan magdadala kami ng makulay na papel.

Martes, Enero 14, 2014

'Iyong totoo? Nanay o Tatay?

Mahal kong talaarawan,

                Ngayong araw na ito ay iniulat ng bawat pangkat ang iniatas sa kanila. Bagoiyon ay tinanong kami ng aming guro kung sino ang hindi kakayaning mawala; ang nanay o ang tatay. Pero Karamihan ay Nanay ang kanilang sagot. Sabi ng aming guro ay depende sa karanasan ng pagtrato. May kamag-aral naman akong nagsabi na ayaw niyang mawala ang kanyang tatay at nanay dahil pareho niya itong mahal. Pero para sa akin, ayaw ko na mawala ang nanay ko dahil close kaming dalawa at ganoon din ang aking tatay kahit pinapagalitan ako noong bata pa ako, ang gulo ano? pero katulad ng isa kong kaklase ayaw kong mawala silang pareho dahil iba pa rin ang may magulang ^_^

Lunes, Enero 13, 2014

Hay.. Ikaapat na markahan na!

Mahal kong talaarawan,

              Ngayong araw na ito ang aming simula ng Ikaapat na Markahan para sa taong ito. Hay! Magsisipag na ako masyado para naman hindi bagsak^_^. Ang ginawa namin  sa ibang asignatura ay mag-tsek at mag-correct response. Nakakalungkot ang resulta ng mga ito. Sa Filipino ay nagbigay lamang kami ng reaksyon sa tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus, ito ay isang halimbawa ng tulang pandamdamin. Pagkatapos binigyan kami ng takdang aralin na magkaroon ng kopya ng tulang ito at pati na rin pangkatan kung saan ipapaliwanag ang bawat saknong. Pag-uwi ko sa amin ay naglaba ako ng aming damit habang nagkokompyuter. Nanood kasi ako ng pelikula na "Death Note 2: The last name." Kakatapos ko lang panoorin ang unang part nito. Pagkatapos kong manood ginawa ko na ang aking mga takdang aralin.

Biyernes, Enero 10, 2014

Yahoo! Party na!

Mahal kong talaarawan,

            Ngayong araw na ito, ang huling araw ng aming test. Totoo na ito, sineryoso ko ang pagrereview dajil alam kong  mahaba-habang araw ito. Hay! kahit papaano naman ay may na-review pa rin ako. Ano ba yan! iniisip ko agad na matapos na ang test. Sana naman ay maganda ang kalabasan xD. Napuyat ako sa pagrereview kaya naman babawi ako ng tulog ngayon. Pag-uwi ko nag-linis ako nang lagayan ko nang damit ( daig pa ang junk shop sa dami ng kalat xD). Pagkatapos ay naglaba ako ng aming damit para bukas ay konti na lang ang aking gagawin. Sa wakas ay naipasa ko na rin ang aking buod.

Huwebes, Enero 9, 2014

Exam na naman? xD

Mahal kong talaarawan,

               Ngayong araw na ito, nagsimula na kaming magtest. Hay! unang test namin, nagugutom ako (ano ba namang tiyan yan!). Siyempre bago kami mag-test nagreview muna ako nang konti. Nalilito ako habang nagrereview dahil pabago-bago ang iskedyul. Kaya itinigil ko muna ang pag-rereview. Naisip ko na baka mahirap ang test kaya ipinagpatuloy ko ang pag-rereview. Mabuti na lamang at nakatulong ang aking stock knowledge, maaasahan talaga lagi ^_^. Akala ko ay madali lang ang iba naming test kaya naman pa-easy easy na lang ( tandaan! marami ang nagkakamali sa maling akala). Pag uwi ko itinuloy ko yung buod ko. At pagkatapos nagpahinga para maraming enerhiya bukas dahil marami ang kalaban xD.

Miyerkules, Enero 8, 2014

Review-Review din pag may taym!!

Mahal kong talaarawan,

             Ngayong araw na ito, nagsimula akong mag-review dahil magkakaroon kami ng test bukas. Mabuti na lang at hindi muna kami magte-test sa mga bigating asignatura (hindi ko pa kasi narereview yun eh!^_^). Siyempre sinimulan ko muna ang gumawa ng buod na ipapasa namin sa Biyernes. inimulan ko munang ibuod ang napanood ko nang pelikula, 'yun lang ang alam ko eh!^_^. Sabi ko bukas ko na gagawin yung dalawa pero naalala ko na sa Biyernes ay itetest namin ang mga  bigating subject^_^. Kaya sinimulan ko munang tapusin 'yung isa at bukas na ang isa (ang sipag ko 'di ba?^_^).  Paglatapos kong gumawa ng buod nagreview na ako sa mga asignaturang ite-test namin bukas. Hindi ako gaanong nakapa-review pero nag-review ako (inaantok kasi ako eh!^_^ hahahaha).

Martes, Enero 7, 2014

Nakaka-ANTOK! Hay!

Mahal kong talaarawan,

                 Ngayong araw na ito ay nahuli akong pumasok sa aming klase. Hindi ko alam kong bakit pero natulog naman ako ng maaga pero nahuli pa rin ako. Antok na antok talaga ako kaya di ako gaanong nakikinig. Tinapos ko ng maaga ang aking mga proyekto at salamat at naipasa ko ito sa tamang oras. Nagbalik-aral lamang kami sa ibang asignatura para sa aming periodical test sa huwebes at biyernes kaya naman nagsimula na akong magbasa-basa. Ipinasa namin ang aming takdang-aralin sa Filipino ngunit may isa akong kulang na di ko nasagutan. Tinalakay rin namin ang Noli Me Tangere, inalam kung anong mga tunngalian mayroon ito, mga tauhan at simbolo/simbolismo. Bukas na lamng namin tatalakayin ang ironiya dahil kinulang kami sa oras. Pagkatapos ipinasa namin ang aming kopya ng Noli Me Tangere. Hanggang mag-T.L.E ay inaantok pa rin ako. Hinintay kong mag-uwian at nag makauwi na para makapagsimula na akong magreview. Bago muna ako nag-review ay ginawa ko muna ang mga takdang-aralin ko.

Lunes, Enero 6, 2014

Unang Araw ng klase sa taong 2014!

Mahal kong talaarawan,

              Ngayon ay isa na namang panibagong taon at usong-uso na naman iyang 'new year's resolution'. At sana ay maisagawa natin kung ano man ang nais nating mangyari sa panibagong taon na ito. Sabi nga nang dati kong kaibigan, ano daw ang new year's resolution ko saglit akong natigilan at nag-isip. Ang totoo ay hindi ko rin alam ang isasagot ko noong una at nag-isip pa ako ng 100 na beses ^_^. Pero hindi ko sinabi sa kanya at sa halip ay sinabi ko na lang sa kanya na: sikreto ko na 'yun baka di matupad eh^_^.

                  At ngayon nga ay unang araw namin sa klase ngayong 2014 at marami akong dapat gawin dahil halos lahat ng asignatura ay kailangan akong magpasa ng project. Nagbalik-aral kami sa ibang asignatura at wala man lang akong maisip (kahit di naman ako nagre-recite) ay nag-isip pa rin ako pero talagang hindi ko matandaan 'yung iba. Ewan ko! Naiwan ko siguro ang utak ko sa probinsya namin, nagbabakasyon yata!^_^. At isa pa hindi ko rin nagawa 'yung sa Filipino namin kung saan pipili kami ng 2 kwento at 1 pelikula at ilalagay namin sa blog. Binuksan ko iyong gmail ko ngunit wala akong nakita. Kaya ayun! sa buong papel na lamag namin iyon isusulat dahil konti lang ang gumawa sa amin. Pero 'buti na lang at pwede pa at sa biyernes na ipapasa. ^_^.