Martes, Marso 11, 2014

REBYU

REBYUNG PAMPELIKULA:


   

          1.         Ang pelikulang "The Girl who Leapt through time" ay isang Japanese animated science fiction romance at ipinurodyos ng Madhouse sa direksyon ni Mamoru Hosoda at panulat ni Satoku Okudera. Ito ay inireleased noong July 15, 2006 at nagkaroon ng sari-saring magagandang komento galing sa manonood. Humakot rin ito ng mga awards kagaya ng Japan Academy Prize for Animation of the Year. Nagkaroon rin ito nang English version noong 2008. 
                  Ang pelikulang ito ay ay pinagbibidahan ni Makoto Konno na siyang merong kakayahan na makapag-time travel. Akala ko noong una ko itong pinanood ay isa siyang lalaki dahil sa kanyang kilos. At kanyang tiya na si Kazuno Yoshima na kadalasan ay tinatawag niyang "Auntie Witch". Kagaya ni Makoto meron rin siyang kakayahan na makapag time travel noong kaedad niya ito. At meron rin siyang mga kaibigan sina Chiaki Mamiya at KousukeTsuda na palagi niyang kasama. 
                   Habang papauwi na si Makoto galing sa kanyang paaralan, nakasakay na siya noon sa kanyang bike, nawalan ito ng preno at tumama ang bike sa tren at nasira. Simula noon ay ginagamit niya ang kanyang pagtatime travel para maiwasan niya  ang mga kapalpakan niya kagaya na lang ng pagiging late niya sa pagpasok at noong nagexam sila sa math at nakaperfect siya. Ginagamit niya ito sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Kaya siya natutong makapag-time travel ay dahil sa napulot niyang bagay na hugis walnut na dahilan kung bakit siya natutong makapag-time leap. Ginamit rin niya ang pagtatime travel noong nagtapat nang pag-ibig ang kanyang kaibigan na si Chiaki para  iwasan pero habang nagtatime travel siya ay paulit-ulit ang sinasabi nito tungkol sa kanyang nararamdaman. Habang ginagamit niya ang pagtatime travel ay nauubos din ang oras na makapagtime travel siya. Isang araw habang nagbabike ang isa niyang kaibigan na si Kousuke, ginamit niya ang bike ni Makoto pero wala itong preno. At para mailigtas ito sa kapahamakan kailangan nitong gamitin ang natitira nitong oras para mailigtas si Kousuke. Doon nalaman rin ni Chiaki na si Makoto ay nakakapagtime travel. Pagkatapos ay parang tumigil ang oras at si Chiaki at Makoto na lamang ang natira. Ipinagtapat niya kay Makoto na may kakayahan din siyang makapag-time travel. Sinabi rin ni Chiaki kay Makoto na siya ay galing mula sa future. Ipinangako ni Makoto na mananatiling naroon ang painting para makita pa rin ito ni Chiaki sa kanyang mundo. Bago umalis si Chiaki sinabi nito na hihintayin nito si Makoto sa future. Tinanong ni Kousuke kung nasaan si Chiaki idinahilan nito na ito ay nag-aaral sa ibang bansa.
                      Noong pinanood ko ito hindi ko maiwasang mainis kay Makoto dahil sa daming oras niyang sinayang at ginamit pa niya ang pagtatime travel para makaiwas sa nararamdaman ni Chiaki para sa kanya. Akala ko pa naman ay magiging sila rin sa huli, hindi pala. Pero kahit na ganoon may natutunan ako sa kasabihang nasa blackboard na "Time waits for no one" parang may pagkakapareho din ito sa kasabihang Time is Gold ^_^.  Ipinapakita rin kasi rito kung gaano kahalaga ang oras. Ang oras ay sinasayang at sa kabilang banda ginagamit sa wastong paraan.


                     
                 
       2             Ang pelikulang Anohana ay isang Japanese series na may 11 episode at ginawan ng movie na ipapalabas pa lamang sa Amerika. Ito ay tungkol sa anim na magkakaibigan na si Jintan, Poppo, Menma, Naruko, Tsuruko, Yukiatsu, at Anaru. Si Menma ay namatay dahil sa isang aksidente. Si Menma ay nagpapakita sa kanyang kaibigan na si Jintan at ayaw paniwalaan ng kanyang mga kaibigan at nais ni Menma na matupad ang kanyang hiling at sinabi kay Jintan na hindi siya makakapunta sa afterlife kapag hindi ito natupad. Pero hindi alam ni Menma kung ano ang kanyang hiling kaya naman muling pinagsama-sama ni Jintan ang kanilang mga kaibigan dahil sa paniniwalang ito ang solusyon para matupad ang hiling ni Menma. Maraming mga internal conflicts mula sa mga magulang ni Menma na nagresulta ng mga kumplikasyon para hindi sila makamove on sa pagkamatay ni Menma.
                     Natutunan ko sa pelikulang ito na huwag nating patuloy sisihin ang ating sarili dahil kagaya sa kalagayan nila, sinisi ni Jintan ang kanyang sarili dahil iniisip nito na siya ng dahilan kung bakit namatay ang kanilang kaibigan. Huwag nating hayaang patuloy nalamunin tayo ng pagkasakim dahil ang nangyari ay nangyari na.

REBYUNG PAMBABASAHIN:


                  Ang babasahing rec- kimi ga naita hi ay tungkol sa babaeng nagngangalang Aizawa Minami na kahit kailan ay hindi naranasan umiyak. Palagi siyang may dala-dalang camcorder para kuhanan ang mga gusto niya. Kaya naman tinagurian siyang baliw nang kanyang mga kaklase. Merong isang lalaki na nagngangalang Satoru, kaklase niya ito at sinabi niya na naiintindihan siya nito. Si Satoru ay mayroong karamdaman ngunit hindi na  nagagaling. Kaya halos araw-araw ay wala itong tigil sa pag pi-film sa kanya. Sinabi ni Aizawa na tigilan na ang pagkuha ng film. Isang araw dinala si Satoru sa ospital dahil lumulubha na ang kanyang karamdaman, noong una medyo ayos pa ang lagay nito. Noong pangalawa na inaatake na naman siya ay hindi niya tinawag ang nars bagkus bumangon ito kahit nahihirapan na at hinalikan si Aizawa sa labi habang ito ay natutulog. Doon tuluyang bumigay ang kanyang katawan at namatay. Nalaman ni Aizawa mula sa isang lalaki ang ginawa nitong hindi pag-abala sa kanya noong inaatake ito. Kaya naman ang babaing kahit minsan sa buhay niya ay hindi umiiyak, ay umiyak ng malaman lahat ng iyon sa unang pagkakataon.

                  Habang binabasa ko ang  manga na ito ay hindi ko maiwasang mapaiyak. Mabubuhay pa sana iyong lalaki kaya lang ay hindi niya inabala man lang si Aizawa o kaya ay pinindot iyong botton para tawagin iyong nars. Natutunan ko na habang nariyan pa ang mga mahal natin sa buhay, sulitin na natin ang mga panahon na tayo ay nasa tabi nila dahil hindi natin alam ang mangyayari kinabukasan
                    
               




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento