Ngayong araw na ito ay gumawa kami ng tula. Inilagay muna namin ito sa isang buong papel at titingnan muna ni Mam bago ipasa. Bale 12 kaming lahat sa grupo at tig-iisang saknong lang ang kailangan dahil nga madami kami. Iisa lang ang paksa namin ito ay ang pagmamahalsa magulang siyempre sinabi na namin ang mga gusto naminng sabihin sa pamamagitan ng tula. Uwian na namin at paniguradong may praktis na naman kami para sa MAPEH. Bukas na kasi ang presentasyon namin kaya 'yon todo praktis. Bago magpraktis umuwi muna ako. Sinabi ko na may kukunin lang ako pero siyampre kumain na rin ako. Pero pag balik ko sa paaralan ay di pa nagsisimula kaya nagpahinga muna ako. Dinala ko yong payong ko dahil mukhang uulan. Alas-tres na kami natapos sa pagpapraktis at nagugutom pa rin ako kahit nagtanghalian na ako^_^. Umuwi na ako at kasabay ko ang aking mga kagrupo. Puro tawanan lang kami at ingayan habang nasa daan. Marami akong ginawa kaya nung gabi ko na lang naalala na naiwan ko pala yong payong ko >_<. Sana nandoon pa iyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento