Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito, ang huling araw ng aming test. Totoo na ito, sineryoso ko ang pagrereview dajil alam kong mahaba-habang araw ito. Hay! kahit papaano naman ay may na-review pa rin ako. Ano ba yan! iniisip ko agad na matapos na ang test. Sana naman ay maganda ang kalabasan xD. Napuyat ako sa pagrereview kaya naman babawi ako ng tulog ngayon. Pag-uwi ko nag-linis ako nang lagayan ko nang damit ( daig pa ang junk shop sa dami ng kalat xD). Pagkatapos ay naglaba ako ng aming damit para bukas ay konti na lang ang aking gagawin. Sa wakas ay naipasa ko na rin ang aking buod.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento