Martes, Enero 21, 2014

Yahoo!

Mahal kong talaarawan,

           Ngayong araw na ito ay tapos na ang aming presentaston ^_^. Kaya naman wala na akong ipag-aalala. Ayy! Meron pa pala! Nawala na kasi 'yong payong nang kapatid ko. Nasaan na kaya yon? Tiyak na magagalit iyon kapag nalaman niya. Sa Filipino pinag-aralan namina an , Ang Kalupi. Matapos ko itong mabasa ay nainis ako kay Aling Marta. Pinagbibintangan niya si Andres na kumuha ng kanyang pitaka nang walang ebedensiya at hinusgahan pa batay sa kanyang pisikal na anyo. NAkakainis lang talaga! (anong kadramahan kong ito!). Pero may napulot din akong aral doon na "Huwag husgahan ang isang tao batay sa kanyang pisikal na anyo bagkos ay kung paano niya tratuhin ang ibang tao."

Lunes, Enero 20, 2014

Ayyy Ewan!

Mahal kong talaarawan,

                Ngayong araw na ito ay gumawa kami ng tula. Inilagay muna namin ito sa isang buong papel at titingnan muna ni Mam bago ipasa. Bale 12 kaming lahat sa grupo at tig-iisang saknong lang ang kailangan dahil nga madami kami.  Iisa lang ang paksa namin ito ay ang pagmamahalsa magulang siyempre sinabi na namin ang mga gusto naminng sabihin sa pamamagitan ng tula. Uwian na namin at paniguradong may praktis na naman kami para sa MAPEH. Bukas na kasi ang presentasyon namin kaya 'yon todo praktis. Bago magpraktis umuwi muna ako. Sinabi ko na may kukunin lang ako pero siyampre kumain na rin ako. Pero pag balik ko sa paaralan ay di pa nagsisimula kaya nagpahinga muna ako. Dinala ko yong payong ko dahil mukhang uulan. Alas-tres na kami natapos sa pagpapraktis at nagugutom pa rin ako kahit nagtanghalian na ako^_^. Umuwi na ako at kasabay ko ang aking mga kagrupo. Puro tawanan lang kami at ingayan habang nasa daan. Marami akong ginawa kaya nung gabi ko na lang naalala na naiwan ko pala yong payong ko >_<. Sana nandoon pa iyon.

Linggo, Enero 19, 2014

Ang Nakakabagot Na araw..^_^

Mahal kong talaarawan,

                 Ngayong araw na ito ay maaga akong nagising. Ewan ko kung bakit pero kadalasan ay ako ang huling gumising sa aming lahat. Maganda na rin ang ganoon para hindi masayadong tumaba hahaha xD. Dahil natapos ko na ang aking mga takdang aralin ay wala akong ginawa kundi mag-text gamit ang aking cellphone. 'Boring talaga hays! Salamat naman at wala kaming praktis ngayon. At dahil Linggo ngayon, naglaba ako ng mga damit (masipag eh).
                  Siyempre nanood din ako ng telebisyon. Kung ano-ano lang ang pinapanood ko. Walang magawa eh. At saka nagawa ko na kahapon ang mga kailangan kong gawin. Mas maganda nang tapos lahat para walang problema.

Sabado, Enero 18, 2014

Sabado na naman!

Mahal kong talaarawan,

          Ngayong araw na ito ay nahuli ako sa paggising. Balak ko pa naman sanang gumising ng maaga para makapag-ehersisyo^_^. Kaya lang ay di natuloy malamig ang panahon tapos ay inaantok pa ako. Paggising ko ay ginawa ko na agad ang aking mga takdang aralin para hindi ako naghahabol ng oras. Gusto ko kasing matapos agad ang aking gawain para kaunti na lang ang gagawin ko. Nagpraktis ulit kami ng sayaw. Nagsimula kami noong 2:00 ng hapon hanggang 5:00. hidi talaga kami tumigil hangga't hindi namin nakukuha ng tama. Nagkaroon rin ng katuwaan ang aming grupo habang nagpapraktis. Tawa kami ng tawa. Kahit mayroong kulang sa aming miyembro ay nagpraktis pa rin kami para sa Lunes ay kabisado na namin ang mga step.

Biyernes, Enero 17, 2014

Hay! Nakakapagod na Araw

Mahal kong Talaarawan,

           Ngayong araw na ito ay wala si Gng. Mixto kaya iba muna ang pumalit pero ngayong araw lamang na ito. Sa isang makulay na papel ay gumawa kami ng tula. Mahaba-habang oras ang kinailangan namin sa paggagawa ng tula. Meron ring mga pamantayan sa paggawa ng tula na aming pinagbatayan para makagawa ng isang orihinal na tula. Salamat naman at nasa oras akong natapos sa paggawa ng tula. Medyo nahirapan rin kasi akong mag-isip. Tulang pandamdamin ang ginawa naming tula kaya medyo natagalan. At saka kahit anong paksa basta tulang pandamdamin lang ang aming gagawin. Hay! ngayong araw rin na ito ay isang nakakapagod na araw para sa akin. Nagpraktis kami ng sayaw para sa Martes. Ito ay isang recquirement naminsa Mapeh. Nagawa rin namin ng maayos lamang ay nagkakamali ako. Sino ang magsasabing mahirap nga talaga ang pagsayaw? Siyempre ay hindi naman ako magaling kaya mahirap talaga. Matapos kaming magpraktis ay umuwi na ako sa amin para kumain. Naglaba rin ako ng mga damit namin at sinama ko na rin ang bag ko. Nakakapagod talaga. Ni hindi ko pa nagagawa ang iba naming takdang aralin at sa palagay ko ay bukas na lang^_^.

Huwebes, Enero 16, 2014

Hays! Nakakapagod Naman!


Mahal kong talaarawan,

            Ngaying araw na ito ay tinalakay namin kung ano ang teoryang nakapaloob sa tulang Ang Pamana. Ito ay teoryang Humanismo. Pagkatapos binasa ng aming guro ang sulat ng ama/ina para sa kanilang anak. Ito ay narinig ko na noong Recollection namin kaya pamilyar namin. Pero hindi pa rin mawawala ang lungkot na nadarama ko kapag naipapabatid ang mensahe nito. Pagkatapos, sa isang makulay na papel gagawa kami ng liham patungkol sa aming mga magulang at isinulat ang mga nais naming sabihin. At ayun! ipinasa na namin ang aming mga gawa. Hay! Nakakpagod talaga ang mag-praktis at nakakgutom pa. Pinraktis namin ang aming sayaw sa Mapeh na Chinese Fan Dance. Nakakpagod palang sumayaw. Natapos kami ng alas-3 kaya talaga namang nakakgutom. Pero mabuti naman at natapos na namin ang mga step namin pero tuloy pa rin ang praktis. Pareho pa namang kaliwa ang paa ko! Hahahaha!

Miyerkules, Enero 15, 2014

Panalo ba? Hahaha!

Mahal kong talaarawan,

               Ngayong araw na ito, nandoon pa rin kami sa pagtalakay sa tulang Ang Pamana. Binigyan kami kahapon ng aming guro ng takdang-aralin kung saan hahanap kami ng kanta na tungkol sa Nanay. Marami sa amin ay pare-pareho ng kanta. Nagkaroon kami ng activity kung saan paramihan ng kanta ang bawat grupo. Magkakaparehas kami ng takdang-aralin pero mas marami ang magkakapareho ng Sa Ugoy Ng Duyan. Pero kami ang nanalo! Hahaha!^_^. Kinanta namin ang Sa ugoy Ng Duyan tapos inihambing namin ang pagkakapareho ng tula doon sa kanta. Pagkatapos binigyan kami ng takdang aralin kung saan magdadala kami ng makulay na papel.

Martes, Enero 14, 2014

'Iyong totoo? Nanay o Tatay?

Mahal kong talaarawan,

                Ngayong araw na ito ay iniulat ng bawat pangkat ang iniatas sa kanila. Bagoiyon ay tinanong kami ng aming guro kung sino ang hindi kakayaning mawala; ang nanay o ang tatay. Pero Karamihan ay Nanay ang kanilang sagot. Sabi ng aming guro ay depende sa karanasan ng pagtrato. May kamag-aral naman akong nagsabi na ayaw niyang mawala ang kanyang tatay at nanay dahil pareho niya itong mahal. Pero para sa akin, ayaw ko na mawala ang nanay ko dahil close kaming dalawa at ganoon din ang aking tatay kahit pinapagalitan ako noong bata pa ako, ang gulo ano? pero katulad ng isa kong kaklase ayaw kong mawala silang pareho dahil iba pa rin ang may magulang ^_^

Lunes, Enero 13, 2014

Hay.. Ikaapat na markahan na!

Mahal kong talaarawan,

              Ngayong araw na ito ang aming simula ng Ikaapat na Markahan para sa taong ito. Hay! Magsisipag na ako masyado para naman hindi bagsak^_^. Ang ginawa namin  sa ibang asignatura ay mag-tsek at mag-correct response. Nakakalungkot ang resulta ng mga ito. Sa Filipino ay nagbigay lamang kami ng reaksyon sa tulang Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus, ito ay isang halimbawa ng tulang pandamdamin. Pagkatapos binigyan kami ng takdang aralin na magkaroon ng kopya ng tulang ito at pati na rin pangkatan kung saan ipapaliwanag ang bawat saknong. Pag-uwi ko sa amin ay naglaba ako ng aming damit habang nagkokompyuter. Nanood kasi ako ng pelikula na "Death Note 2: The last name." Kakatapos ko lang panoorin ang unang part nito. Pagkatapos kong manood ginawa ko na ang aking mga takdang aralin.

Biyernes, Enero 10, 2014

Yahoo! Party na!

Mahal kong talaarawan,

            Ngayong araw na ito, ang huling araw ng aming test. Totoo na ito, sineryoso ko ang pagrereview dajil alam kong  mahaba-habang araw ito. Hay! kahit papaano naman ay may na-review pa rin ako. Ano ba yan! iniisip ko agad na matapos na ang test. Sana naman ay maganda ang kalabasan xD. Napuyat ako sa pagrereview kaya naman babawi ako ng tulog ngayon. Pag-uwi ko nag-linis ako nang lagayan ko nang damit ( daig pa ang junk shop sa dami ng kalat xD). Pagkatapos ay naglaba ako ng aming damit para bukas ay konti na lang ang aking gagawin. Sa wakas ay naipasa ko na rin ang aking buod.

Huwebes, Enero 9, 2014

Exam na naman? xD

Mahal kong talaarawan,

               Ngayong araw na ito, nagsimula na kaming magtest. Hay! unang test namin, nagugutom ako (ano ba namang tiyan yan!). Siyempre bago kami mag-test nagreview muna ako nang konti. Nalilito ako habang nagrereview dahil pabago-bago ang iskedyul. Kaya itinigil ko muna ang pag-rereview. Naisip ko na baka mahirap ang test kaya ipinagpatuloy ko ang pag-rereview. Mabuti na lamang at nakatulong ang aking stock knowledge, maaasahan talaga lagi ^_^. Akala ko ay madali lang ang iba naming test kaya naman pa-easy easy na lang ( tandaan! marami ang nagkakamali sa maling akala). Pag uwi ko itinuloy ko yung buod ko. At pagkatapos nagpahinga para maraming enerhiya bukas dahil marami ang kalaban xD.

Miyerkules, Enero 8, 2014

Review-Review din pag may taym!!

Mahal kong talaarawan,

             Ngayong araw na ito, nagsimula akong mag-review dahil magkakaroon kami ng test bukas. Mabuti na lang at hindi muna kami magte-test sa mga bigating asignatura (hindi ko pa kasi narereview yun eh!^_^). Siyempre sinimulan ko muna ang gumawa ng buod na ipapasa namin sa Biyernes. inimulan ko munang ibuod ang napanood ko nang pelikula, 'yun lang ang alam ko eh!^_^. Sabi ko bukas ko na gagawin yung dalawa pero naalala ko na sa Biyernes ay itetest namin ang mga  bigating subject^_^. Kaya sinimulan ko munang tapusin 'yung isa at bukas na ang isa (ang sipag ko 'di ba?^_^).  Paglatapos kong gumawa ng buod nagreview na ako sa mga asignaturang ite-test namin bukas. Hindi ako gaanong nakapa-review pero nag-review ako (inaantok kasi ako eh!^_^ hahahaha).

Martes, Enero 7, 2014

Nakaka-ANTOK! Hay!

Mahal kong talaarawan,

                 Ngayong araw na ito ay nahuli akong pumasok sa aming klase. Hindi ko alam kong bakit pero natulog naman ako ng maaga pero nahuli pa rin ako. Antok na antok talaga ako kaya di ako gaanong nakikinig. Tinapos ko ng maaga ang aking mga proyekto at salamat at naipasa ko ito sa tamang oras. Nagbalik-aral lamang kami sa ibang asignatura para sa aming periodical test sa huwebes at biyernes kaya naman nagsimula na akong magbasa-basa. Ipinasa namin ang aming takdang-aralin sa Filipino ngunit may isa akong kulang na di ko nasagutan. Tinalakay rin namin ang Noli Me Tangere, inalam kung anong mga tunngalian mayroon ito, mga tauhan at simbolo/simbolismo. Bukas na lamng namin tatalakayin ang ironiya dahil kinulang kami sa oras. Pagkatapos ipinasa namin ang aming kopya ng Noli Me Tangere. Hanggang mag-T.L.E ay inaantok pa rin ako. Hinintay kong mag-uwian at nag makauwi na para makapagsimula na akong magreview. Bago muna ako nag-review ay ginawa ko muna ang mga takdang-aralin ko.

Lunes, Enero 6, 2014

Unang Araw ng klase sa taong 2014!

Mahal kong talaarawan,

              Ngayon ay isa na namang panibagong taon at usong-uso na naman iyang 'new year's resolution'. At sana ay maisagawa natin kung ano man ang nais nating mangyari sa panibagong taon na ito. Sabi nga nang dati kong kaibigan, ano daw ang new year's resolution ko saglit akong natigilan at nag-isip. Ang totoo ay hindi ko rin alam ang isasagot ko noong una at nag-isip pa ako ng 100 na beses ^_^. Pero hindi ko sinabi sa kanya at sa halip ay sinabi ko na lang sa kanya na: sikreto ko na 'yun baka di matupad eh^_^.

                  At ngayon nga ay unang araw namin sa klase ngayong 2014 at marami akong dapat gawin dahil halos lahat ng asignatura ay kailangan akong magpasa ng project. Nagbalik-aral kami sa ibang asignatura at wala man lang akong maisip (kahit di naman ako nagre-recite) ay nag-isip pa rin ako pero talagang hindi ko matandaan 'yung iba. Ewan ko! Naiwan ko siguro ang utak ko sa probinsya namin, nagbabakasyon yata!^_^. At isa pa hindi ko rin nagawa 'yung sa Filipino namin kung saan pipili kami ng 2 kwento at 1 pelikula at ilalagay namin sa blog. Binuksan ko iyong gmail ko ngunit wala akong nakita. Kaya ayun! sa buong papel na lamag namin iyon isusulat dahil konti lang ang gumawa sa amin. Pero 'buti na lang at pwede pa at sa biyernes na ipapasa. ^_^.