Nobyembre 21, 2013
Ngayong araw na ito, tinalakay namin kung ano ang teoryang nakapaloob sa akdang Tata Selo. Marami ang teoryang nakapaloob dito maliban sa realismo, naturalismo, sosyolohikal, at eksistensiyalismo, meron ding teoryang DEKONSTRUKSYON. Ano ba ito?
Teoryang Dekonstruksyon:
Ang dekonstruksyon ay isang uri ng teoryang pampanitikan kung saan ang karaniwang istraktura ng kwento ay hindi sinusunod. Natural nitong pinaadadaloy ang kamalayan at kaisipan ng tao at gayon din ang mga pangyayari sa kanyang paligid. Pinapaksa nito ang mga pangyayaring hindi karaniwang pinag-uusapan.
Sa dekonstruksyong pananaw, binibigyang-pansin ng mga nais sabihin ng akda batay sa relasyon ng tao sa kanyang lipunan. Natutukoy ang mga bahagi ng akda na nagpapahiwatig ng impluwensya ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa kahihinatnan nito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento