Nobyembre 11, 2013
Ngayong araw na ito, binigyan kami ng aming guro ng takdang aralin na may kinalaman pa rin sa dulang "Sa Pula, Sa Puti" ni Francisco 'Soc' Rodrigo. Tsinekan rin namin ang aming gawain na aming ginawa noong nakaraang huwebes (Nobyembre 7, 2013), binigyan rin namin ito ng marka batay sa mga kategoryang ibinigay ng aming guro. Naging isa rin itong masayang araw matapos basahin ng isa naming kamag-aral ang kanyang gawa na talaga namang nakakatuwa at siyempre maganda rin dahil sa pagbibigay niya ng katangian ng hayop na kanyang binanggit na may kahalintulad rin sa tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento