Martes, Oktubre 15, 2013

Oktubre 16, 2013 (MIYERKULES)
                   
        Ngayong araw na ito ay ipinagpatuloy namin ang pagtalakay sa  tulang "LUHA" ni Rufino Alejandro.Habang ipinagpapatuloy namin ang pagtalakay rito,binigyan kami ng aming guro ng gawain sa aming kwaderno kung saan ibibigay namin ang kahulugan ng bawat matatalinghagang salita. Marami rin akong natutunan tungkol sa tulang iyon.
 
BISANG PANDAMDAMIN:
               
         Matapos kong mabasa ang tula,nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi ko akalain na marami ang mga tao at kabataan na napapariwara ang landas at mas piniling gawin ang mga bagay na masasama o hindi natin dapat na gawin.
   
BISANG PANGKAISIPAN:

         Matapos kong mabasa ang tula, napagtanto ko na hindi habang buhay ay nandiyan ang ating mga magulang upang pangaralan at gabayan tayo sa buhay. Napagtanto ko rin na ang paggawa natin ng mga bagay na inaakala nating tama ay magdudulot sa atin ng kabutihan.Tandaan na ang pagsisisi ay laging nasa huli at habang maaga pa ay iwasto natin ang ating mga pagkakamali.
     
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento