Oktubre 25,2013
Ngayon ipinagpatuloy namin ang takdang aralin namin na hindi namin natapos kahapon na pagahahambing sa mga tauhan nito na sina Felipe at Delfin ng Banaag at Sikat; Crisostomo Ibarra at Elias ng Noli Me Tangere batay sa kanilang kangian, paniniwala, paninindigan, mga naging desisyon at mga balakin.Sinabi rin ni Gng. Mixto na kailangan naming kumuha ng larawan kasama ang aming magulang habang hawak-hawak nila ang liham na aming ginawa. Ito lamang po!
Huwebes, Oktubre 24, 2013
Oktubre 24, 2013
Ngayong araw na ito ay ipinagpatuloy namin ang aming hindi natapos na talakayin kahapon. Pinagdala kami ng buod ng Noli Me Tangere Ni Jose Rizal kahapon at ngayon ay binigyan kami ng gawain sa isang buong papel kung saan ihahambing namin ang mga tauhan sa kwento ng Banaag at Sikat sa kwento ng Noli Me Tangere. Ang mga tauhang iyon ay sina Felipe, Delfin, Crisostomo Ibarra, at Elias batay sa kanilang katangian, paniniwala, paninindigan at balakin. Isususlat rin namin ang aming reaksyon ukol dito. Hanggang dito na lang ulit!

Martes, Oktubre 22, 2013
Oktubre 23, 2013
Ngayong araw na ito ipinagpatuloy namin ang aming pangkatang gawain na hindi namin natapos kahapon. Isa-isang naiulat ng bawat pangkat ang mga hinihinging kasagutan sa mga katanungan na ibinigay sa bawat grupo na may kinalaman pa rin sa kwentong "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos.
"BANAAG AT SIKAT"
Bisang Pangkaisipan:
Nang mabasa ko ang kwento natutunan ko na marami ang mga taong yumaman lang ay tinatapk-tapakan na ang mga taong mahihirap, na dahil sa pera nila ay kaya nilang bilhin ang lahat ng bagay sa mundo.Bukod dito,marami pa akong natutunan na hindi hadlang ang estado ng buhay, mayaman ka man o mahirap para sa dalawang taong nag-iibigan.
Bisang Pandamdamin:
Nang mabasa ko ang kwento nakaramdam ako ng lungkot dahil maraming mayayaman ang umaabuso sa karapatan ng mga tao at manggagawa dahil akala nila kahit ang mga ito ay nagtatrabaho sa kanila, maaari na nilang gawin ang gusto nila sa ibang tao.
"Ang teoryang nakapaloob sa kwentong Banaag at Sikat ay Teoryang Eksistensiyalismo-na nangangahulugan sinusuri sa akda ang kilos, paniniwala, panindigan at sila rin ang magdedesisyon para sa kanilang buhay at Teoryang Realismo dahil maraming pangyayari sa akda na maaari nating makita o maranasan sa totoong buhay"

Lunes, Oktubre 21, 2013
Buod ng Banaag at Sikat
Ang buod ng
kasaysang ng Banaag at Sikat at lumiligid sa mga adhikain at paninindigan ng
dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang
mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at
sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay
ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang
palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay.
Samantala, siya’y nakitira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa
Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang
pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay
nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa
kanyang pagiging anarkista.
Pinangarap
niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang
lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa
ng lubos na kalayaan at patas na ginhawa sa buhay.
Nang
pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro niya
sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa
galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa
dating pinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit
di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonya at lubos na naniniwala sa
malayang pag-ibig.
Si Delfin
ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hangad na mawala ang pamahalaan
ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang
taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at
namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan
ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki ng isang ale (tiya).
Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang manunulat sa isang
pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat hindi kasiradikal
nito.
Nais ni
Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin sa
marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa
mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman,
sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng
sosyalismo.
Si Don
Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na.
Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si
Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang bagay na
para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabulukan ng sistema ng lipunan na
pinangyayarihan ng mayayamang walang
kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at sa
iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.
Sa tulong
ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni
Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak;
dahil ito ay maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang
pagkasosyalista sa isang pag-uusap
nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay
walang nagawa. Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang
pagmamahalan.
Nang
mahalata ni ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayn ni Meni, hindi nila ito
naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos
patayin. Sa amuki ni Madlanglayon,
pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, subalit nagpagawa ng isang
testamento na nag-iiwan nmg lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni
ay hindi pinamanahan.
Si Meni ay
nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin.
Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit
o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na dinaramdam
at ikihihiya ni Delfin at ng kanyang ale, subalit wala naman silang maitakip sa
pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na
ni talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang
nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong.
Samantala, si Don ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa
kalapastanganang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon,
Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang
balak na bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa
karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging natanim sa
kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil
sa kagagawan ni Meni.
Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa
pagnanais na makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog
sa mga kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol
ni Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na
hindi lamang makatanggi sa kaibiogan, subalit kontra rin sa seremonya ng
pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan.
Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo,
kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang kulangin ang handa nina Delfin, salamat na
lamang at ang kusinero ay marunong ng
mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
Ang kasayahan sa binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng
isang kablegrama na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang
utusan sa isang otel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay,
sumalubong ang lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don
Felimon, kasosyo ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na
Sabado ang lahat ng hindi sasalubong.
Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang
kaptid ni Tentay na malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas,
kasama ng isanmg kastilang kinasanlaan niya sa maliit na halaga, siya’y
ipinagbili o ipinahingi sa isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante.
Dahil dito, nakapaglibot siya sa iba’t
ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at
California, at sa wakes ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging
kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang otel na malapit
sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na kaya
pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal
ni Talia. Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon
ang ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa
libingan ay naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa
pagpapalitan ng kuru-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t
utusan ng kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa
maralitang mga mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga
magulang na magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang
laganap na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya. Kakailanganin ang mahaba at
walang hanggang paghihimagsik laban sa mga kasamaang umiiral.
Marami pang bayani ang hinihingi ng panahon. Kailangang
lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa
buong daigdig bago matamo ang tunay at
lubos na tagumpay. Napag-usapan nina Felipe at Delfin ang kasaysayan ng
anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap nito sa Europa, sa Aprika, at sa
Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang buhay na napuputi sa pagpapalago
ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti kung ipaparis sa napakaraming tao na
araw-araw ay pinahihirapan. Subalit matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa
ano mang paraang magiging daan ng pagdanak ng dugo.
Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay
nagkaisa sila sa pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na; iwan nati’t palipasin
ang dilin ng gabi.”
Oktubre 22, 2013 (MARTES)
Ngayong araw na ito ipinagpatuloy namin ang pagtalakay sa pag-uulat ng bawat grupo na may kinalaman pa rin sa kwento ng "Banaag at Sikat" ni Lope K.Santos na kinakailangan naming ibigay ang kahulugan ng mga salita na iniatas o ibinigay sa iba't-ibang grupo.At pagkatapos noon, ay binigyan kami ng aming guro ng takdang aralin kung saan kailangan naming iugnay ang bawat pangungusap sa totoong buhay at sinabi rin ng aming guro na kailangan naming magdala ng buod ng Noli Me Tangere. Hanggang dito na lang!

Oktubre 21, 2013 (LUNES)
Ngayong araw na ito, nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa tulang tinalakay namin noong nakaraang Biyernes na "LUHA" ni Rufino Alejandro. Ngunit bago iyon ay ipinasa muna namin ang aming takdang aralin na ginawa naming liham na nagsasaad ng pag-amin sa aming pagkakamali. Pagkatapos noon, ay nag-ulat na ang pangkat isa tungkol sa akdang "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos at binigyan rin kami ng aming guro ng pangkatang gawain na kailangan naming iulat bukas. Hanggang ito lamang!

Huwebes, Oktubre 17, 2013
Oktubre 18, 2013 (BIYERNES)
Ngayong araw na ito pinag-aralan namin kung anong teorya ang nakapaloob sa tulang "LUHA" ni Rufino Alejandro. Ang teoryang nakapaloob sa tulang ito, ay ang teoryang HUMANISMO- ay pagsusuri ng akda batay sa damdaming namayani sa tauhan,nagpapakita ng mga kaisipan at mga panimula. Naglalahad din ito ng kagalingan ng tauhan. Pagkatapos naming talakayin ang teoryang nakapaloob sa tulang iyon, nagkaroon kami ng gawain kung saan isusulat namin sa kwaderno kung ang bawat katanungan ay nabibilang sa bisang pangkaisipan o bisang pandamdamin. Pagkatapos binigyan kami ng aming guro ng takdang aralin kung saan gagawa kami ng LIHAM na nagsasaad ng pagamin sa aming mga pagkakamali.

Martes, Oktubre 15, 2013
Oktubre 16, 2013 (MIYERKULES)
Ngayong araw na ito ay ipinagpatuloy namin ang pagtalakay sa tulang "LUHA" ni Rufino Alejandro.Habang ipinagpapatuloy namin ang pagtalakay rito,binigyan kami ng aming guro ng gawain sa aming kwaderno kung saan ibibigay namin ang kahulugan ng bawat matatalinghagang salita. Marami rin akong natutunan tungkol sa tulang iyon.
BISANG PANDAMDAMIN:
Matapos kong mabasa ang tula,nakaramdam ako ng lungkot dahil hindi ko akalain na marami ang mga tao at kabataan na napapariwara ang landas at mas piniling gawin ang mga bagay na masasama o hindi natin dapat na gawin.
BISANG PANGKAISIPAN:
Matapos kong mabasa ang tula, napagtanto ko na hindi habang buhay ay nandiyan ang ating mga magulang upang pangaralan at gabayan tayo sa buhay. Napagtanto ko rin na ang paggawa natin ng mga bagay na inaakala nating tama ay magdudulot sa atin ng kabutihan.Tandaan na ang pagsisisi ay laging nasa huli at habang maaga pa ay iwasto natin ang ating mga pagkakamali.

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)