Mahal kong talaarawan,
Nayong araw na ito ay binalikan namin ang mga tinalakay namin noong biyernes. Mayroon pa nga na ibinigay na takdang aralin noong nakaraang Biyernes tapos ay tsinek lang namin. Buti na lang may tsagot ako. Hoooh! Buti na lang talaga! Pagkatapos ay inihambing ang pagkakaiba ni Medusa kay Galema. Sabi nung iba marami daw ahas sa ulo si Medusa at si Galema ay sa balikat lang may ahas, Ganoon ba?hahaha >.< Yan tayo ehh. Medyo tuwang tuwa ang III- Diamond ngayon ah? Ang Ingay. Meron naman akong kamag-aral na todo pumalakpak ayan tuloy, nasita ni Mam ( sige corpuz, palakpak pa ha?). Joke lang!
Lunes, Pebrero 24, 2014
Linggo, Pebrero 23, 2014
Yan tayo ehh
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito ay nnanood ulit ako ng anime( sipag noh?) mas inuuna pa angkung anu-ano kaysa sa mga takdang aralin. Kakatapos ko lang maglaba ng aming mga damit. Kaya nagpahinga muna ako. Pagkatapos ay sinagutan ko iyong iba naming takdang aralin. Hay! Tapos may proyekto pa ang aking kapatid sa Filipino. At ako pa talaga ang pinaggawa.. Hmmmp! Ayoko pa sanang gawin pero baka bawiin niya iyong ibinigay niya sa akin ( yan tayo ehhh!). Pagkatapos kong gawin ang proyekto niya ay nag- facebook na ako. Naglaro nang konti tapos ay naglinis ulit ng kuwarto.
Mga etiketa:
proyekto,
taalarawan
Sabado, Pebrero 22, 2014
Balik sa Dati.
Mahal kong Talaarawan,
Ngayong araw na ito ay sabado. Kaya malamang wala kaming pasok. Sakto pa dahil kaarawan ng aking bunsong kapatid. Nasa probinsiya siya ngayon kasama ng aking "mommy" at " daddy" xD. Nagpaload agad ako ng cellphone ko at binati ang kapatid ko. Pagkatapos ay balik na naman sa dati ang gawi ko. Facebook, nood t.v tapos nanood ng anime ( Kuroko's Basketball). Ewan ko kung bakit pero ampogi kasi nila doon Ehh. ! Pagkatapos naglinis ako ng aming kuwarto at pinaglalagyan ng gamit ko. Ang dumi na! Parang pinagbahayan ng ahas! Ayun balik na naman sa Dati.

anime,
kaarawan,
talaarawan
Biyernes, Pebrero 21, 2014
YEah!
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito ay wala nang nagddeemo. ( huhu! wala ng chocolate!Joke). Sa totoo lang kasi masaya dahil meron na kaming a.p, filipino, at t.l.e., At medyo nahuhuli na rin kami sa talakayan. Ayan na! Ayan na ! Filipino na! Kinakabahan talaga ako. Siyempre panung hindi ka kakabahan, eh paano kung ikaw ang mabunot para magbasa ng ginawa mong tula? Buti na lang may gawa na ako kahit papaano. At salamat dahil hindi ako natawag ( yes!). Pinag-aralan namin ang Kabanata ng Erehe at Filibustero. At pagkatapos ay nagbigay ng mga katanungan ang aming guro matapos basahin.

filipino,
taalarawan,
tula
Huwebes, Pebrero 20, 2014
Ayayay! Chocolatee! nomnomnom
Mahal kong talaarawan,
Iba ang aura ko ngayong araw na ito. Noong mga nakaraang araw kasi ay walang gana tuwing may nag-dedemo. Pero iba ngayon. Sabihin na natin na dahil lang sa CHOCOLATE. ^_^. Iyong nagdemo kasi sa amin ay nagbigay nang chocolate. Yan tuloy ginanahan ako. Parang gusto ko pa nga ehh. Hahahha. Sarap kasi ng chocolate. Pero siyempre ay nakakatamad makinig dahil alam ko na iyong tinuturo nila (jowk!-.-) . Huhuhu. Nakakamiss mag-Filipino.
Miyerkules, Pebrero 19, 2014
Hoooh!
Mahal kong Talaarawan,
Kagaya kahapon ay may demo na naman. Pero okay na rin naman dahil nakakatuwa rin ang mga nag-dedemo sa amin. Iyong iba ay kinakabahan at iyong iba napaka- energetic. Kagaya ng nagdemo ngayon sa amin sa asignaturang Chemistry din. May expirement pa! Astig talaga. Hay nakakalungkot naman kasi walang Filipino. Tapos ang aga pa namin mag-break kaya nakakagutom din agad. Siyempre sa tuwing may nag-dedemo ay wala kaming takdang aralin kaya keri na rin yan!

Martes, Pebrero 18, 2014
Hay! ayan na naman..
Mahal kong Talaarawan,
Ngayong araw na ito ay wala pa rin kaming Filipino sa kadahilanang meron na namang nag-dedemo. Akala ko pa naman ay may pogi ulit na mag-dedemo sa amin. Dagdag pa ang nakakaboring na talakayan sa matematika. Pasensya na pero math kasi. Alam niyo na pang-henyo. At hindi ko alam kung bakit tuwing math ang asignatura ay bigla akong nasa-shut down. Ibig sabihin walang energy o di kaya naman ay inaantok. Pero meron din naman akong natutunan kahit napag-aralan na namin ang ibang topic nila.

boring,
math,
taalarawan
Lunes, Pebrero 17, 2014
Ayiiiieee! kilig!
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito wala kaming Filipino dahil may nag-demo. Hindi ko alam kung matutuwa o hindi dahil medyo huli na kami sa talakayan. Pero iyong iba ay tuwang tuwa dahil may tsokolate na prize sa mga sumagot(-.-). hmpp! biro lang! Pero siyempre nakakaantok dahil nakaka-boring iyong iba. Sana nag-Filipino na lang pala! Mas masaya pa! ^_^. At siyempre medyo nagka-energy dahil ampogi ng nag-demo! yieeeeee! kilig!. Hmmp! meron naman na bitter masyado..! hahaha! pero masaya rin naman ang talakayan kahit papaano! Ikaw ba naman na kiligin yung tipong nawala ang antok mo dahil sa poging nag-dedemo? jowk!

antok,
kiligmuch,
taalarawan
Biyernes, Pebrero 14, 2014
Oo na!
Mahal kong Talaarawan,
Ngayong araw na ito ay masayang-masaya ako. Siyempre sino ba namang hindi? Eh Js na kaya? Hahahah^_^. Hindi, actually feeling ko kasi ang ganda-ganda ko nang mga araw na ito. Ay mali, feeling ko pala Napaka-GANDA ko^_^. Pero siyempre feeling ko lang yon kaya pagbigyan na. Siyempre nakaka-anto-.- pinipigilan ko na nga lang antok ko. Pero di kaya na superpowers ko kahit uminom na ako ng 2 tasa ng kape^_^( jowk.. Isang tasa lang pala yon). Nakaka-antok talaga. Di kasi ako sanay sa puyatan eh^_^. Kaya ayun pag-uwi ko sa amin ay natulog ulit ako. Feeling maganda paeh Hahaha^_^

ganda,
js,
talaarawan
Huwebes, Pebrero 13, 2014
Naku Naman!
Mahal kong Talaarawan,
Naku naman! Naiinis na ako! Akala ko pa naman ay hindi na ako male-late pero sabi nga nila ay marami ang nagkakamali sa maling akala ^_^. Pero ayos na rin yon kesa absent^_^ . Iyan ang sikat na motto ng mga estudyante katulad ko. Ayan kasi, puro JS ang nasa isip! ayan tuloy nalate na! (yan tayo eh! excited much?). At saka medyo antok na rin ako kaya pag-uwi ko ay kumain muna ako tapos ay umidlip muna ng konti.
Miyerkules, Pebrero 12, 2014
Ganyan talaga kami ^_^
Mahal kong Talaarawan
Hindi na namin tinapos ang pinapanood namin dahil malapit na kami sa wakas nito. Kaya naman nagklase na lang kami. Sabi ko pa naman sa sarili ko ay papanoorin ko kung anong nangyari doon sa pinanood namin ni Jose Rizal. Daig ko pa yata ang nagka-amnesia nito. Saka ko lamang naalala kung kailan nasa paaralan na ako -.- Hay naku! Talaga naman! Tinanong kami ni Mam kung sino ang nakapanood ng wakas ng Jose Rizal. Oo tama, hindi lima o sampu ang nagtaas ng kamay. Kunsi isa lang sa aming kamag-aral. (ayy! ganyan na talaga)^_^

ganyan,
kami,
talaarawan,
talaga
Martes, Pebrero 11, 2014
Iba talaga ang Antok !
Mahal kong talaarawan,
Ipinagpatuloy namin ang panonood ng Jose Rizal. Habang nanood ay di ko mapigilang antukin. Daig ko pa yata ang isang College Student na may kursong Engineering(chos!). Hindi naman sa naiinip ako kaya lang ay inaantok na ako. Katulad kahapon ay hindi rin kami natapos sa aming pinapanood pero malapit na kami sa wakas ng pelikulang iyon.
Lunes, Pebrero 10, 2014
Balikan ang Nakaraan^_^
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito ay pinanood sa amin ng aming guro ang Jose Rizal ng GMA FIlms. Kasama na rito ang mga akdang nagawa niyang nobela gaya ng NoliMe Tangere at El Filibusterismo. Siyempre kasama din doon iyong patungkol sa kanyang pamilya, mga problemang kanyang kinaharap noong bata pa maging sa kanyang paglaki, hindi rin mawawala doon ang kanyang buhay pag-ibig^_^(naks). Para akong nasa panahong iyon. Kung paanong naging alipin at sunud-sunuran ang mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.mhabang oras ang kailangan namin doon dahil napakahaba ng pelikula. HIndi namin natapos kaya itutuloy namin bukas.

Biyernes, Pebrero 7, 2014
Yehey! Biyernes na!
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito ay gumawa kami ng isang sulat, mensahe, liham at tula kung saan susulat kami sa Pangulo tungkol sa kaganapan sa Zamboanga. Bago ito ay may nagbasa muna sa unahan ng ginawa nilang tula. Ilan ang hindi gumawa pero may dalawa akong kamag-aral na nag-resayt sa unahan. Magaganda ang kanilang mga tula. Buti na lang at hindi pa ako natatawag hindi pa kasi ako nakakagawa ^_^. Pero gagawa na rin ako baka sa lunes ay bigla akong tawagin.

Huwebes, Pebrero 6, 2014
Hamahgahd!
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito ay nagkaroon ulit nang pangkatang gawain pero patungkol pa rin ito sa akdang Bangkang Papel. Pagkatapos ay binigyan rin kami ng takdang aralin ng aming guro kung saan susuriin namin kung anong teorya ang nakapaloob sa akdang ito.

Miyerkules, Pebrero 5, 2014
Nakakalito!
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito ay sinuri namin ng mabuti ang akda. Masyadong maraming paligoy-ligoy ang akdang ito. Nakakamangha lang ang sumulat ng akdang ito dahil bukod sa magaling na ay magaling rin siyang magpaligoy-ligoy nga kwento. Hindi man direktan sinabi sa akda kung ano talaga ang dahilan pero kung susuriin mo ng maigi ay masasabi mo na lang sa sarili mo na, "Hala mali pala ang naisip ko. Ang galing naman nung may akda!". Pero hindi ko alam kung ano ang pananaw ng iba tumgkol sa may akda.

Martes, Pebrero 4, 2014
Bangkang Papel
Mahal kong talaarawan,
Ngayong araw na ito, ay gumawa muna kami ng bangkang papel (hindi po ito iyon akda hahaha) pagkatapos ay isinulat ko ang aking pangngalan, taon at pangkat, at sa gitna ay iyong aking pangarap at ikinorte ko ito na parang isang bangka. Nagmamadali ako sa pagpasa dahil baka hindi na tanngapin kapag nahuli ^_^. Pagkatapos ay nagbasa ang isa naming kamag-aral sa unahan ang akdang bangkang papel. Sinagutan rin namin ang ilang katanungan at dumiretso na kami sa pangkatan

Lunes, Pebrero 3, 2014
hahahaha!
Mahal kong talaarawan,
Unang beses ko na naman na maguupdate dito sa blog ko. Matapos ang ilang taon hahaha. Hindi, ngayon lang ulit talaga ako maguupdate dahil lumiban ako ng ilang linggo. Masyadong masaya ang araw na ito. Nagkaroon kami pangkatan. Matapos ito ay sinabi ng aming guro na magsaliksik ukol sa akdang bangkang papel. Pero sabi ng iba kung kaklase ay kung gagawa daw ng bangkang papel. Hahahah! Natawa talaga ako dito eh. Marami akong na-miss sa pagliban ko. Pero hindi ko naipasa ang aking takdang aralin sa Filipino na humanap g pelikulang may teoryang saykolohikal dahil gabi na kami nakauwi dito sa amin galing probinsya.

Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)